Chapter 8

1292 Words
“You aren’t allowed to stay away from me, Zolani.” Pinagsisipa ko ang mga bato na humaharang sa daanan ko. Hanggang ngayon, napipikon ako sa nangyayari. Nakuha ko naman ang eyeglass ko matapos niyang sabihin ’yon pero naiwan sa utak ko ang kaniyang sinabi. f**k him! “I hate him,” bulong ko sa hangin at inayos ang aking suot na salamin. Kung hindi ko lang mahal ang salamin ko at hindi lang umaaraw, sana hindi ako napipikon ngayon. Mabilis akong sumampa sa aking motor at saka tinanggal muna ang salamin ko bago isuot ang helmet. Nakakainis ba talaga ang existence ng nga Smirnov? Lahat sila, gusto ng ibang tao habang ako? Ayaw ko sa kanila pero malaki ang respeto ko. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang umabot sa ganito ang lahat. Gusto ko lang namang tumulong dahil malapit na kaibigan ng nga magulang ko ang Smirnov pero bakit naman ganito? Pinaandar ko ang aking motor nang masiguro kong okay na ang suot kong helmet. Sakto rin habang inaayos ko ang eyeglass ko. Ramdam ko rin ang mabibigat na hininga ko ngayon lalo pa at napipikon ako sa sinabi at ginawa sa akin ni Sir Napoleon. Mabigat man ang kalooban ko, nilisan ko pa rin ang mansion. Pabagsak kong inihiga ang aking katawan sa kama. Pilit kong iniisip ang mga nangyari ngayong araw pero hindi ko man lang mahanapan ng solusyon. Nakakainis lang dahil kahit ano pa ang gawin ko, hindi matanggal-tanggal sa isip ko ang mukha ni Sir Napoleon. Umigting ang aking panga habang naiinis sa mga nangyayari. Kung puwede lang sanang magdabog, ginawa ko na. “Ate,” tawag sa akin ng kapatid ko nang makababa ako ng hagdan. Hindi ko napansin na nakaidlip pala ako dahil sa pagod. Mas mabuti sigurong hindi na ako magpunta sa mansion bukas dahil mukhang kailangan ko na ring layuan si Sir Napoleon. Nakakapikon ang mukha niya. Wala pa siyang ginagawa, sumasagi na sa isipan ko ang mga nangyari. Mukhang hindi ko na talaga makakalimutan ang lalaking ’yon. “Wala pa sina Mommy?” tanong ko sa kaniya pagkababa ko. Nakita ko namang balisa siya pero hindi ko pinansin dahil wala pa naman ang isip ko ngayon. Kung baga, masyado akong lutang sa mga nangyayari. Kagigising ko lang naman kasi. “Kadarating po nilang dalawa ni Daddy,” paliwanag niya na nagpakunot sa aking noo. Akala ko ay kanina pa sila nakarating perp bakit mukhang medyo na-late sila? Ginabi rin ako ng gising dahil nga maaga naman akong nagising. Kaya nakakapagtaka talaga na late sila ngayon. Hindi naman kasi talaga sila nala-late. Wala pang alas sais, nakauwi na sila parehas ni Daddy. Madala nga ay alas singko, mayroon na sila pero dahil nga owner naman sila parehas ng mga business namin, talagang may tatapusin muna sila bago umuwi. “Bakit ngayon lang sila? Saka saan ba sila banda?” tanong ko pa dahil wala akong marinig na ingay mula sa kusina. Ganitong oras kasi ay nagluluto na si Mommy at ginugulo naman siya ni Daddy. Kung baga, para silang bagong kasal o hindi kaya ay bago lang ang relasyon nila kung umasta sila minsan. Kaya nga nakakapagtaka dahil walang maingay. Tahimik ang buong paligid. Hindi ko tuloy maiwasang mapakamot dahil sa pagtataka. “Nasa living room, ate,” mahinang wika niya. Kinusot ko naman ang aking mata para tanggalin ang mga muta habang tinatahak ang daan papunta sa living room. May kalakihan din naman ang bahay namin pero hindi kasing laki ng mansion ng mga Smirnov. Sakto lang ang bahay namin. Kahit sumigaw pa kami sa loob, maririnig pa rin kung sakaling nasa second floor ako pero kapag nasa loob ng kuwarto? Hindi. Soundproof kasi ang kuwarto namin. Ultimo sa living room at office room, mga soundproof talaga ang mga iyon. Pagkapasok ko sa living room, bumungad sa akin ang nakangiting mukha ng mga magulang ko pero ang nakakuha ng atensyon ko ay si Sir Napoleon na nakangisi. Nakatingin siya sa akin ngayon at mukhang alam niyang papasok ako sa living room. Ngunit bakit siya nandito? Bakit bigla na lang siyang lumitaw? “Oh! Viatrix! Gising ka na pala. Nandito si Sir Napoleon dahil bibisitahin ka raw niya,” paliwanag ni Mommy na ikinagulat ko. Bibisitahin ako? “You aren’t allowed to stay away from me, Zolani.” Shit! Ito ba ang ibig niyang sabihin kanina? Buo na ang loob kong iwasan siya dahil ayaw ko siyang makita pero bakit naman ganito? Bakit kailangan umabot sa ganitong klase ng buhay? Tumayo sina Mommy at Daddy habang ako naman ay nanatiling tuod at gulat sa nangyari. Wala akong alam na bibisita siya rito sa bahay pero bisita ba na matatawag ito kung ramdam kong iba ang hangarin niya? Bakit ba niya kasi ako ginugulo? Wala naman akong ginagawang masama para gawin niya sa akin ang bagay na ito. Ang gusto ko lang naman noon ay kunin ang eyeglass ko dahil delikado para sa akin kaso bakit naman umabot sa puntong ’to? “Ikaw na muna ang bahala kay Sir Napoleon. Magluluto muna kami ng Daddy mo ng hapunan natin,” paalam ni Mommy sa akin at bahagyang tinapik ang aking balikat. Si Mommy na rin ang nagsara ng pinto na naging dahilan para matauhan ako. Nagtangis ang aking baga habang nakatingin sa lalaking nabura na ngayon ang ngisi sa kaniyang labi. Hindi ko alam kung paano niya ako nahanap ngunit hindi naman impossible na inutusan niya ang mga alagad niya para mahanap ako. “Sir Napoleon,” panimula ko habang pinipigilan ang sarili ko. Kaunti na lang kasi ay masisigawan ko na siya pero kailangan ko pa ring maging kalmado. We’re not close. Kaya bakit ako sisigaw kung sakali? Kailangan kong maging kalmado. Hindi dahil isa siyang mafia at mas mayaman. Kung hindi dahil ay malaki ang respeto ko sa kaniya dahil kahit pagbalik-baliktarin ko ang mundo, boss ko pa rin siya kahit papaano. “Bakit po kayo nandito?” “Bibisitahin ka,” simpleng sagot niya ngunit may bahid pa rin ng lamig. Wala namang dahilan para bisitahin niya ako. Baka buwisitin puwede pa. Mukha kasing hindi pa siya nakuntento sa nangyari sa amin kanina. Kung paano kami mag-away at kung paano niya ako inisin. “Wala naman pong rason para bisitahin niyo ako,” magalang na sagot ko pero umangat lang ang kaniyang kilay. Tingin ba niya masisindak niya ako sa pag-angat niya ng kilay sa akin? Hindi. Kung patarayan din lang naman ang labanan, kaya kong pumalag. Ngunit dahil alam niyang kaya kong magtimpi, baka isipin pa niyang mabilis akong matalo. “What do you mean? Marami akong rason, Zolani,” aniya. Kumalabog ang puso ko sa kaniyang sinabi ngunit sinubukan kong huminga nang malalim para kahit papaano ay mapakalma ko ang puso ko. Weird. React nang react ang puso ko kahit na wala naman dapat siyang ika-react. “Sir Napoleon, baka nakakalimutan niya hong isa ako sa mga tumutulong sa mansion niyo?” tanong ko para ipaalala sa kaniya. “Hanggang doon lamang po ang lahat.” Hindi ako puwedeng mapalapit sa kanila. Wala namang rason para roon. Kung si Cerese, puwede pa. Pero ako? Wala akong balak dumikit sa kanila. Walang rason para lapitan ko sila. Kasi unang-una sa lahat, nakatatak na sa isipan ko na ang nangyayari ay ang pagtulong ko lamang pero bakit naman kailangan na nandito pa siya sa bahay namin? “You aren’t allowed to stay away from me, Zolani.” Ipinilig ko ang aking ulo nang maalala ko na naman ang kaniyang sinabi. Gusto kong kalimutan iyon pero bakit naaalala ko pa rin hanggang ngayon? “Have you forgotten what I said a while ago, Zolani?” tanong niya sa akin na ikinatigil ko. “You aren’t allowed to stay away from me.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD