“Isang plato na lang para kaunti lang ang hugasan ng mga kasama namin sa bahay.”
Kinurot ko ang aking hita habang nanatiling nakatitig sa lalaking nagsimula ng kumain. Minsan ay napapasulyap siya sa akin at sinusubuan ako gamit ang kutsara niya. Gusto kong tumanggi pero paano ako tatanggi kung pilit niyang isinusubo sa akin ang kutsara kahit na ayaw ko? Isa pa, naiilang ako sa panunulyap ni Sir Elijah dahil sa kalokohan ng kaniyang pinsan.
“A tough man is whipped because of a woman,” he remarked as he glimpsed at our side again before eating.
“Shut up and eat, Elijah,” Sir Napoleon uttered.
Para naman akong hindi makahinga sa palitan nila ng mga salita dahil halatang inaasar kami ni Sir Elijah. Kung anu-ano ba naman kasi ang kaniyang ginagawa at talagang dinadamay pa ako. Hindi man lang inisip na kahit na magkaibigan ang mga pamilya namin, hindi dapat kami ganito.
“Get a room, man.”
“Later, don’t worry,” Sir Napoleon retorted, leaving me dumbfounded.
Hindi ko alam kung paano ko pa nalunok ang aking nginunguya dahil sa narinig ko. Alam ko naman na sinasakyan na lang ni Sir Napoleon ang pang-aasar ng pinsan niya pero bakit hanggang ngayon ay nagugulat pa rin ako?
Siguro ay dahil hindi ako sanay na nabibigyan ako ng atensyon ng mga Smirnov. Buong buhay ko, hindi ako nakikisalamuha sa kung kanino kaya bakit biglaan yata ang nangyari? Bakit nagising na lang ako na binibigyan na ako ng atensyon ng isang Smirnov? Ang malala pa ay ang anak ng panganay ng mga Smirnov, si Sir Eryx Ziven Smirnov. Tatlo kasi silang magkakapatid na Smirnov. Sina Sir Eryx Ziven Smirnov, Sir Chrisander Smirnov at Sir Ryan Ezekiel Smirnov. Silang tatlo ay may mga anak na sa kanilang mga asawa.
Si Sir Eryx Ziven ay may apat na anak. Sina Sir Chrisander Smirnov at Sir Ryan Ezekiel Smirnov naman ay may tag-tatlong anak. Puro lalaki ang mga naging anak nila. Wala man lang ni isang babae at halatang pinaghandaan talaga nila nag ganoong bagay. May sinusundan yata silang taon at month kaya naging puro lalaki ang mga anak nila.
Nakakagulat talaga, sa totoo lang. Ultimo ang pamilyang Primanov, ang mga anak rin nila ay puro lalaki.
“Sir Napoleon,” tawag ko sa kaniyang pangalan nang mawala ang kaniyang pinsan dito sa dining area.
Napalingon naman sa akin si Sir Napoleon habang siya ay nagpupunas ng kaniyang labi gamit ang table napkin. Ang kaniyang mga mata ay walang pinagbago dahil para talaga akong hinihigop ng kaniyang mga mata. Kung hindi rin ako nagkakamali, pilit niya rin yatang binabasa ang aking mga mata kahit na wala naman siyang mababasa roon maliban sa pagkainis.
Hindi ko pa kasi nakakalimutan ang kaniyang ginawa sa akin kanina. Iyong eyeglass ko na dapat ay madalas kong gamitin, sana hindi na lang niya pinagdiskitahan. Hindi ko tuloy lubos maisip na ganito ang mangyayari. Kung hindi lang sana niya ako inasar, sana hindi ako nagagalit ngayon sa kaniya.
“What’s the matter?” tanong sa akin ni Sir Napoleon at saka inilapag ang table napkin sa kaniyang kandungan.
Napatikhim naman ako at kaagad na bumalik na naman ang inis ko dahil sa nangyari kanina. “Sir, ‘yong eyeglass ko po. Hindi kasi puwedeng mawala iyon dahil kailangan ko po iyon lalo na kung nagbababad po ako sa araw.”
Makakabili naman ako nang bago pero paano iyon mangyayari kung sakali man? Babyahe pa ako pauwi gamit ang motor ko. Kahit pa sabihin na kaya kong bumili, hindi ko naman natatagalan ang araw dahil mahapdi talaga sa mata. Hindi man lang ba niya naisip ang ganoong bagay? Nakakainis dahil parang kalmado pa rin siya hanggang ngayon. Hindi man lang niya inaalala na possibleng hindi ko magawa ang mga bagay na madalas kong gawin.
Puwede naman akong magpasundo sa family driver namin kung sakali pero matatagalan dahil ilang milya rin naman ang layo ng bahay namin sa mansion ng mga Smirnov. Saka hindi rin naman ako nakikipagbiruan dito. Sana man lang ay maisip ni Sir Napoleon ang mga mata ko. Kahit iyon na lang sana.
“Humahapdi po kasi ang mga mata ko,” dagdag ko pa dahil baka mamaya ay sabihin niyang nag-iinarte lang ako.
Kung sana ay totoong nag-iinarte lang ako, hindi ko naman titiisin ang lahat para lang makuha ang eyeglass ko. Kaya ko namang bumili pero hindi ko kayang magmaneho nang walang gamit na eyeglass lalo na kung mataas ang sikat ng araw.
“I’ll escort you, then,” wika niya bago abutin ang isang baso ng tubig na ikinatigil ko.
Puwede naman kasi siyang ibigay na lang hindi iyong papahirapan niya pa ang sarili namin! Saka ako pa ba ang bibiruin niya? Kung hindi lang siya Smirnov, baka kanina ko pa siya nasabihan nang kung ano pero dahil malaki ang respeto ko sa kaniya, hindi ko ginawa kahit na maraming rason para gawin ko iyon.
Hindi ko naman alam na masama pala ang ugali ng pangatlong anak ni Sir Eryx. Kung alam ko lang sana, hindi na ako nagprisinta noon at minabuting mag-manage na lang ng aming mga business. Hindi ko kayang tiisin ang ganito lalo na kung demonyo naman ang kinahara ko.
“Sir Napoleon, eyeglass ko lang po ang kailangan ko,” paliwanag ko habang patuloy na nagtitimpi. “Puwede po bang ibigay niyo na lang?”
Para ito sa eyeglass ko. Kaya kong tiisin ang lahat ng mga sasabihin niya basta lang makuha ko ang bagay na kailangan ko. Matapos ko lang talagang kunin, hindi ko na hahayaang magkrus pa ang landas namin. Iiwasan ko na siya. Hindi rin naman kasi magandang tingnan na magkasama kami dahil hindi naman kami magkaano-ano.
At isa pa, iyong pag-share namin ng plato? Tingin ba niya ay natutuwa ako sa ganoon? Hindi. Daig pa namin ang mag-asawa lung mag-share kami sa iisang plato. Ang malala pa ay sinusubuan niya ako kahit na kaya ko namang kumain nang hindi nagpapasubo sa kaniya.
May mga sarili akong kamay. Kaya kong gamitin iyon pero bakit kailangan siya pa ang maglagay ng pagkain sa bibig ko? Para saan pa ang pagsusubo niya sa akin? Hindi ko siya maintindihan. Hinding-hindi ko talaga siya kayang intindihin. Daig pa niya ang babae sa sobrang pagiging magulo niya.
“In one condition, woman,” he muttered.
Pinigilan kong huwag magpakita ng inis pero dahil sa kaniyang sinabi, paano ko pa mapipigilan? Hindi ba puwedeng ibigay na lang niya ang eyeglass ko nang hindi nagbibigay ng condition? Kasi napipikon na talaga ako sa ugali niya. Kung puwede ngang magalit ay ginawa ko na pero paano ko gagawin iyon kung binibigyan niya ako nang rason para magalit sa kaniya nang tuluyan?
“Sir Napoleon, hindi ako nakikipagbiro,” mariing sambit ko. “Kung ibibigay niyo sa akin ang eyeglass ko, pangako kong hindi na ako gagawa nang kung anong kalokohan. Hindi na rin ako lilitaw kung sakali man.”
Tumaas ang kaniyang kilay sa aking sinabi na hindi ko inaasahan. Bumigat din ang kaniyang aura na kailan man ay hindi ko napaghandaan. Bakit naman mag-iiba ang timpla ng kaniyang mukha? Wala naman akong sinabing masama. Gusto ko lang naman makuha ang aking eyeglass at hindi ko na talaga nanaisin pang makita muli siya kaya ako na ang lalayo.
Hindi ba niya naiisip na naiilang ako sa presensya niya? Isa siyang Smirnov. Ang gap namin ay sobrang layo kaya bakit ganito ang mukha niya?
“You aren’t allowed to stay away from me, Zolani.”