Chapter 18

1256 Words
Napamulat naman ako ng aking mga mata nang maramdaman ko ang isang mainit na bagay sa aking likuran. Mayroon ding nakadantay sa aking bewang at pasimpleng nakahawak sa aking dibdib. Kumunot naman ang aking noo at unti-unting gumalaw nang sa gayon ay makita ko kung anong klaseng bagay ba ang nasa aking likuran. “Stay still,” bulong ng isang boses sa aking likuran gamit ang mababa ngunit malalim na boses. Dahan-dahang sumagi sa isip ko ang aming ginawa kagabi—kung paano ko siya hayaang angkinin ako nang walang sawa. Ramdam ko pa ang hapdi sa ibabang ’yon at kung gaano kasakit ang aking buong katawan sa pagkangalay. Naramdaman kong namula ang aking pisngi nang maalala ko kung paano ako mag-ingay kagabi. Nakakahiya man ang mga binitawan kong salita, hindi ko na ’yon mababawi pa kahit kailan. “Maliligo na ako,” bulong ko dahil gusto ko na talagang maligo. Malagkit ang pakiramdam ko dahil basang-basa ako ng pawis kagabi. Inumaga na nga yata kami dahil hindi talaga niya ako tinatanan hanggang sa makuntento siya. Alam ko rin na hindi siya gumamit ng protection. Never niya kasing tinanggal ’yon. Tatanggalin niya lang kapag magpapalit kami ng position at ’yon ang nakakainis. “Kailangan kong magpunta sa OB-GYN, Napoleon,” dagdag ko pa dahil kailangan kong mag-take ng emergency pills. Hindi kasi pupuwedeng hayaan ko ’yon lalo na kung wala pa naman akong balak mabuntis. Masyado pang maaga para roon at tawag ng laman lang naman ang nangyari sa pagitan namin. Kaya kung magkakaroon man ako ng anak, dapat ay ’yong nabuo sa pagmamahalan at hindi dahil sa tawag ng laman. I don’t want them to experience something that they don’t deserve. “Why? May sakit ka?” tanong niya sa akin at medyo inaantok pa ang kaniyang boses. Napatampal na lamang ako ng aking noo dahil umaga pa lamang, sinusubok na ulit ang aking pasensya. Hindi ba talaga kaya ni Napoleon na huwag akong inisin kahit isang araw man lang? “Wala pero kailangan ko ng pills,” bagot na paliwanag ko na nagpatahimik sa kaniya. Alam ko kung ano ang kaniyang iniisip at hindi ko naman siya masisisi sa ganoong bagay. Hindi ko rin naman kasing gugustuhing mabuntis talaga dahil lamang sa isang bagay—lust. Nasa matinong pag-iisip pa naman ako. Sabihin na kailangan nga ng katawan ko ang bagay na ’to pero hindi ko naman hahayaan na mabuntis ako at hindi ko maalagaan nang maayos ang bata dahil lang sa busy ako o hindi ko kayang panindigan ang ginawa kong kalokohan. Maraming ganiyan noon hanggang ngayon. Kadalasan ay mga bata na nadadala sa kapusukan. Ako naman, wala naman na akong problema dahil nakapagtapos naman na ako. Ang gagawin ko na lang naman ngayon ay mag-manage ng mga business na mayroon kami. Kaya okay lang talaga kung tutuusin pero ngayon, hindi dahil hindi pa naman ako handang magkaroon ng anak. Sa huli, pumayag din lang naman si Napoleon na magpunta kami sa OB-GYN. Siya rin ang nag-drive kahit na pupuwede namang ako na lang ang magpunta basta ibigay niya sa akin ang address. Habang nagmamaneho siya, nanatili lamang akong nakatingin sa bintana. Minsan ay napapasulyap ako sa kaniyang gawi lalo na kung ipapatong niya ang kaniyang kamay sa aking hita. Medyo naiilang kasi ako kahit pa ilang beses na naming ginawa ’yon kagabi. Sa katunayan nga, dinugo rin ako. Mukhang sa pagkakasira ng hymen ko ’yon kaya talagang dumugo. Hindi ko nga lang alam kung hanggang kailan ang pagdudugo nito dahil wala naman akong idea. Napilitan pa nga akong magsuot ng napkin dahil talagang medyo malakas din ang pagtulo. Para akong may dalaw pero ang pinagkaiba ay amoy sugat ang dugong inilalabas niya ngayon kaysa sa amoy ng dalaw. “Are you hungry?” tanong ni Napoleon sa akin habang patuloy pa rin ako sa pagtitig sa bintana. Nililibang ko ang sarili ko sa tanawin dahil sa sobrang kahihiyan ko. Lumilitaw kasi sa isipan ko kung paano ako magsalita. Natawag ko pa siyang daddy na alam kong gustong-gusto niyang marinig. My gosh! Nakakahiya! Galit na galit ako sa kaniya pero ibang-iba kami sa tuwing nasa kama? Nag-init ang aking mga tainga at piniling manahimik na lamang dahil baka mamaya ay masigawan ko nang wala sa oras si Napoleon. “Zolani,” tawag niya sa akin. Pinanatili ko naman ang pagiging isang linya ng aking labi at nangunot na lamang ang aking noo dahil sa pagkabuwisit ko sa kaniya. Hindi na nga lang kasi pinapansin ay tawag pa rin nang tawag sa pangalan ko. “Baby.” “Ano ba?!” naiinis na tanong ko sa kaniya at marahas na bumaling sa kaniyang gawi. “Hindi na nga ako nagsasalita, tanong ka pa nang tanong.” “Hanggang kailan ka ba magsusungit sa akin? Nagtatanong lang,” kalmadong sagot niya at lumingon saglit sa aking gawi bago ibalik ang kaniyang mga mata sa harapan dahil medyo mabilis ang pagtakbo ng kaniyang sasakyan. “Kahit manahimik ka lang saglit,” pagod na sagot ko. “Madalas mo ba namang ubusin ang pasensya ko.” “Do you want me to fill your cunt again with my juice?” Mabilis kong kinurot ang kaniyang balikat dahil sa kung anu-anong kabalbalan na naman ang binibitawan niyang salita. Hindi na niya kasi kayang kontrolin ang bibig niya. Hindi naman siya gan’to noon pero nang may nangyari sa amin, nagsimula na siyang magsabi nang kung ano sa akin. “Shut your filthy mouth, Napoleon,” sita ko sa kaniya. Ngunit imbis na pumayag, ngumisi lamang siya na nagpadagdag sa aking inis. “Na uh! Not gonna happen, Zolani,” sagot niya sa akin. Napairap na lamang ako sa kaniya at mabilis na ipinukol ang aking mga mata sa bintana. Hindi ko na rin pinansin ang pang-aasar niya kahit na minsan ay pasimple niyang hinahaplos ang hita ko at pinanggigigilan pa. Bumuga naman ako ng hangin habang nakatingin sa pills na hawak ko. Iinom ako mamaya nito pagkatapos kong kumain. Baka kasi hindi hiyang ng katawan ko ang pills kapag hindi ako nakakain. “Let’s go?” aya naman sa akin ni Napoleon nang makapabalik siya sa aking harapan. Nagbayad siya sa counter kasi nang mabigyan ako ng emergency pills at morning pills ng OB-GYN. May iilan ngang napapalingon sa kaniya dahil malakas naman talaga ang hatak niya sa mga babae. Bukod sa kilala pa, kahit simple lang din ang kaniyang damit ay guwapo pa rin talaga at malakas ang appeal. Tumayo naman ako kaagad na lumapit sa kaniyang gawi ngunit medyo nagulat ako nang bigla niyang hapitin ang aking bewang bago siya maglakad nang mabagal. “Saan tayo kakain?” tanong niya sa akin. “Sa fast food restaurant na lang na malapit dito,” sagot ko sa kaniya nang kalmado. Hindi na rin kasi niya ako kinulit kanina kaya talagang nagkakaintindihan na kami ngayon. Hindi kagaya na halos magsigawan kami dahil sa kakulitan niya sa akin. “Kaya mong maglakad?” tanong niya sa akin pagkaraan nang ilang minuto. Siguro ay napansin niyang medyo mabagal akong maglakad dahil sobrang sakit naman kasi talaga ng katawan ko. Nangalay ako sa mga position na ginawa namin. “Not really,” sagot ko sa kaniya. “Masakit kasi talaga ang katawan ko.” Kaagad naman niya akong tinulungan na ipulupot ang aking mga bisig sa kaniyang leeg bago ako buhatin nang pangkasal—bridal style. Medyo nakakahiya nga dahil may mga nakakita sa amin. Kaya isinubsob ko na lang ang aking mukha sa kaniyang leeg saka ipinikit ang aking mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD