Chapter 19

1316 Words
“What do you want?” he inquired while his eyes fixed on the menu. Ngumuso naman ako at inilihis ang aking mukha dahil sa kahihiyan na nararamdaman ko. Hindi ko kasi takaga maintindihan kung bakit inaatake ako ngayon ng hiya. Siguro ay dahil sa pagbubuhat niya sa akin kanina nang biglaan? Not sure. Tumikhim ako at kaagad na nilingon ang menu pero wala akong matipuhan. Madalas ay pagkain kasi ito ng mayaman at medyo hindi ko rin tipo ang lasa. Siguro ay dahil nasanay ako sa luto ni Mommy na medyo pumalapag at nanunuot ang lasa hanggang buto? Sa mga fancy restaurant kasi, madalas na ang lasa ay salt at pepper lang. Minsan ang nagpapasarap lang din ay ang mga butter pero bukod doon, nothing’s special. “Wala akong gusto rito,” bulong ko nang mapansin kung gaano kamahal ang mga pagkain. Isang kapirasong steak lamang ay aabot na sa fifteen thousand pesos. Halos puwede na akong bumili ng cellphone sa lagay na iyan pero kung ipangkakain ko sa isang dish lamang? No thanks. Baka madismaya pa ako. Kaya mabilis kong inilipat ang menu hanggang sa tumapat ang aking mga mata sa pizza. Mas mabuti pang mag-pizza na lang ako dahil isang order lang, busog na ako. Kahit pa naman sabihin ni Napoleon na siya ang gagastos, no way! Afford ko naman pero hindi worth it gastusan ang mahal na pagkain kung puwede namang maghanap ng iba. Saka hindi ko rin naman hilig ang bagay na ’to. Never. “Pizza na lang, ’yong supreme? Tapos isang order ng lasagna,” sagot ko sa kaniya. Hindi ko rin naman kasi mauubos ang pagkain ko. Siya rin lang naman ang uubos kung sakali. Siyempre, pera niya so normal na ipalamon ko sa kaniya kasi siya naman ang gumastos, hindi ba? Hindi naman ako patay-gutom para lamunin ang lahat. Ano ’yon? May portal ang tiyan ko? “What about steak or mashed potato—” “Hindi ko na nga pinili ’yan dahil hindi ko tipo,” napipikon na sagot ko sa kaniya. “Kung gusto mo, ikaw ang kumain.” Masungit na kung masungit. Itatanong pa kasi sa akin ’yong pinakamahal pero mala-ginto ang presyo. Marunong naman akong magtipid. Kaya ko rin namang gumastos nang mahal pero ayaw kong ubusin ang savings na mayroon ako. Mabuti sana kung pera ko talaga ’yon at hindi galing sa bulsa ng mga magulang ko. Saka habang tumatanda, kailangan mas mag-ipon nang mag-ipon hindi ’yong gastos nang gastos. Paano kung may emergency? Saan ako kukuha ng pera? “I was just askin—” “Hah! Asking your face! Kabisado ko na ugali mo. Palagi ka ba namang nang-aasar?” mahinang sagot ko dahil baka mamaya ay makarinig sa akin. Smirnov ba naman ang inaaway ko? Paanong hindi magiging issue? Big deal sa kanila ang ganito. Kilalang pamilya ba naman ang Smirnov tapos heto ako, nakikipag-away sa lalaking ’to dahil lang sa steak. “Mag-order ka na nga lang!” napipikon na pahayag ko kay Napoleon. “Daming tanong. Sinagot ko na nga lang tapos dadagdagan pa ang tanong?” Narinig ko naman siyang natawa bago magtawag ng waiter pero imbis na magkomento ako, inirapan ko na lamang siya nang pasimple. Makauwi lang talaga ako sa bahay namin, sasaraduhan ko siya ng pinto. Wala akong pakialam kung mafia pa siya. Nasa bahay siya, hindi puwedeng umasta siya nang kung sino kung nasa teritoryo ko naman siya, ano? Nakakailan na siya. Kung hindi lang niya ako inakit kagabi, hindi mangyayari ang ganitong bagay. Nakakainis! Sarap sakalin ng lalaking ’to kaso naalala ko pa lang mas malakas siya sa akin. Lugi! Matapos naming kumain ay mabilis kaming nagtungo sa parking lot. Pinilit ko an ring maglakad kaysa magpabuhat sa kaniya. Pinagtalunan pa nga namin ang bagay an ’yon pero pinanglakihan ko na lamang siya nang mata dahil sa sobrang inis ko sa kaniya. Ngayong nagmamaneho siya, siyempre nasa hita ko na naman ang palad niya. Pilit ko ngang inaalis pero ayaw niyang tanggalin. Kaya nang mapagod ako, hinahayaan ko na lang dahil malapit naman na kaming makauwi sa bahay namin kaso mali ako dahil nang nilampasan niya ang bahay namin, doon ko napagtanto na hindi niya ako iuuwi. “Hoy! Bakit naman nilampasan mo ang bahay namin?!” sigaw ko sa kaniya nang matauhan ako. Wala sa plano namin na magpunta sa kung saan dahil hindi naman iyon ang sinabi niya sa akin. Wala sa schedule namin na magpunta kami sa kung saan pero heto siya, nilampasan na lang bigla ang bahay namin na para bang may binabalak na kung ano. “Napoleon!” sigaw ko sa kaniya dahil sa pagkaubos ng pasensya ko. Ang dami kasing puwedeng gawin tapos iyong hindi pa ako iuuwi? Really? “Ano ba?” “Sa condo ka matutulog,” simpleng paliwanag niya na ikinanganga ko naman sa gulat. Sa condo niya? Bakit naman ako matutulog sa condo niya? I mean, alam ko naman na may hotel sila rito. May resort pa nga sila kung hindi ako nagkakamali pero madalas ay nasa Manila ang mga business nila. Kaya bakit naman isasama niya ako sa condo niya kung gayon na wala naman akong planong makasama siya? “Napoleon! Nauubos na talaga ang pasensiya ko sa ’yo!” hiyaw ko sa kaniya at kinurot ang kaniyang kamay na nasa aking hita. Nilingon ko pa siya pero ang kaniyang mukha ay nanatiling nakaharap sa kalsada. Nagsimula namang bumilis ang kabog ng puso ko. Kasi imagine, matutulog ako sa condo niya? Kagabi pa man din ako nagtitiis dahil ayaw ko na talaga siyang makasama tapos sa teritoryo pa niya ako magpupunta ngayon? Balak ba niya akong ikulong? Ang lala namang buhay ’to. Nagdidilig lang naman ako ng halaman sa bahay nila pero ganito ang nangyari sa buhay ko ngayon. Hanep! Nakakapikon—nakakabuwisit. Ang daming puwedeng puntahan tapos condo pa niya. “Wala akong damit!” rason ko sa kaniya at umaasang kakagat siya sa aking sinabi pero hindi, nanatili lamang siyang tahimik hanggang sa makarating kami sa kaniyang condo. Lukot-lukot ang mukha ko habang hinihila niya ang aking kamay para makapaglakad ako. Mabagal man ang paglalakad niya, wala akong pakialam. Tingin ba niya ay i-a-appreciate ko pa ang ginagawa niya ngayon kung ikukulong niya ako sa condo niya? Hindi! Para naman na niya akong ninakaw sa mga magulang ko para lang iuwi ako sa condo niya. Hindi ko naman siya boyfriend! Kung umasta kasi ay parang boyfriend ko siya kahit na hindi naman talaga. “Let me go!” saad ko nang makapasok kami sa elevator. Wala ring ibang tao rito sa elevator bukod sa amin. Sinubukan ko ring tingnan ang kabuuan ng elevator upang tingnan kung may mga CCTV ba pero wala naman. Kaya buong lakas kong binawi ang aking kamay hanggang sa bitawan niya ako. Napatingin ako sa aking kamay dahil nakaramdam ako ng init doon hanggang sa matingnan ko na medyo namumula na pala. “Kahit kailan ka talaga—” “s**t!” Biglang nawalan ng kuryente ang elevator. Nawala na rin ang ilaw sa loob kaya kinakailangan kong kapain ang aking paligid. Natatakot ako. May cleithrophobia at nyctophobia ako. Takot akong makulong o ma-trapped sa madilim na lugar. Kaya ngayong nawalan ng kuryente ang elevator na ito, nagsisimula akong magkaroon ng panic attack, kumakalabog nang malakas ang puso ko at higit sa lahat ay pinagpapawisan ako nang malamig. “Napoleon,” nanginginig na bulong ko sa kaniyang pangalan. Sumisikip ang puso ko. Hindi ako makahinga nang maayos. Gusto kong umalis. Gustong-gusto kong makatakas ngayon sa lugar na ’to. Nagsimula na ring manginig ang aking mga kamay sa takot. Kaya ipinikit ko ang aking mga mata hanggang sa naramdaman ko ang pagpulupot ni Napoleon ng kaniyang bisig sa aking bewang. Naramdaman ko ring isinubsob niya ang aking mukha hanggang sa maramdaman kong nagsimula na akong maiyak sa takot. “Shh! I’m here. I’m here, Zolani.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD