Naalimpungatan si Penelope ng naramdaman niyang may umupo sa gilid ng kanyang kama. Hindi muna siya nag mulat ng kanyang mata dahil sa labis na takot, na baka tatay nya na naman iyon o isa sa kanyang mga kapatid. Naramdaman niya na may lumapat na malamig na bagay sa kanyang labi, nagulat siya at biglang napa upo mula sa kanyang pagkaka higa. Naging dahilan yun para mas maramdaman pa niya ay pananakit ng kanyang buong katawan. Napahawak siya sa kanyang tagiliran dahil labis itong kumirot ng siya ay gumalaw.
"Shhh, mahiga ka muna anak"- wika ni Olivia sa kanyang anak. Ang kanyang Inay pala ang nasa tabi niya. Nawala ang bigat sa kanyang dibdib at ang lahat ng kanyang takot at pag aalala, dahil nandito na ang kanyang kakampi. Hindi siya masasaktan hangga't nandito ang kanyang ina sa kanyang piling.
Napa talon sa tuwa si Penelope at dinamba ng yakap ang kanyang ina. Napahagulhol siya ng iyak, na wari'y nagsu sumbong at nagla labas ng sama ng loob dahil sa labis at walang dahilang pananakit na nangyare sa kanya. Hinagod naman ng kanyang ina ang kanyang likuran at pina tahan itong habang sinasabi ang mga salitang "Tahan na anak, nandito lang ako wag ka ng umiyak, Shh tahan na"- paulit ulit na wika ni Olivia.
Kumalas si Penelope sa pagkaka yakap niya sa Ina, pinunas naman ni Olivia ang kanyang mga luha. "Pag pasensyahan mo na ang tatay mo anak ha. Hindi nya sinasadya na saktan ka"- pag aamo ni Olivia sa kanyang anak. "Lasing lang ang tatay kagabi, hindi nya sinasadya na masaktan ka. Mahal na mahal ka ng tatay mo"- pagpa paliwanag niya sa inasta ni Rene kagabi.
Marahas namang umiling iling si Penelope, alam niyang sinasadya iyon ng tatay nya dahil hindi lang naman nangyare ang ganoon. Hindi siya mag kanda ugaga sa pag senyas at pag galaw ng kanyang kamay upang ipaalam sa ina ang mga nangyayare sa kanya sa loob ng kanilang tahanan.
"Dahan dahan anak, hindi ka maiintindihan ni Nanay kapag ganyan ka kabilis mag senyas"- mahinahong wika ni Olivia.
Huminga ng malalim si Penelope at magsi simula na sana syang mag senyas ulit, pero biglang dumating ang kanyang ate Jessa. "Wala ka bang trabaho 'Nay?, inaantay ka na ni Mang Nestor sa labas, itinatanong nya kung makikisabay ka daw ba papuntang labasan".- wika ni Jessa.
Si Mang Nestor ay kanilang kapit bahay na araw araw ay sakay sa kanyang kalabaw patungo sa labasan ng kanilang barangay, kung saan may mga bumi byaheng traysikel patungong bayan. Sa bayan naman nagta trabaho si Olivia bilang kahera ng isang restaurant.
Biglang napalipat ang tingin ni Penelope kay Olivia, umaasa na sasabihin ng kanyang ina na liliban muna siya sa trabaho upamg siya'y alagaan. Nakatitig siya rito ng may pagmamaka awa na wag siyang iiwan. "Wag kang mag-alala anak, nakausap ko na ang tatay mo. Sinabi ko sa kanya na kausapin ka at humingi siya ng tawad sa ginawa niya kagabi."- may ngiti sa labi na wika ni Olivia.
Bumagsak ang balikat ni Penelope at namuo na naman ang luha sa kanyang mga mata. Nag protesta siya, hinawakan niya ang bisig ng kanyang ina nang akmang patayo na ito para umalis. Marahas siya na umiiling, nais ipahiwatig sa kanyang ina na huwag siyang iwan nito at gusto niyang sumama.
"Anak, kailangan ko ng pumasok sa trabaho. Mababawasan ang sweldo ko kapag hindi ako nag trabaho ngayong araw. Pwede bang wag ka nang makulit"- medyo naiiritang sabi ni Olivia sa anak. Ngunit hindi natinag si Penelope, bagkos ay lalo niyang hinigpitan ang pagkaka yakap sa bisig ng kanyang ina.
Lumapit si Jessa at hinawakan si Penelope. "Bumitaw ka na Penelope, hindi ka pwedeng isama ni Inay sa kanyang trabaho."- sabi niya at mariing pinisil ang kumikirot niyang tagiliran. Dahil dito ay nanghina si Penelope at napa bitaw siya sa kanyang ina. Nahihirapan siyang huminga, pakiramdam niya ay nabali ang kanyang tagiliran at lalo itong lumalala dahil sa pagkaka pisil dito ni Jessa.
"Ako na ang bahala sa kanya 'Nay, ako na ang gagamot sa mga sugat niya"- mabait na wika ni Jessa sa kanyang ina.
"Wag magpapa saway Penelope ha, magpaka bait ka habang wala ako. Mag pahinga ka lang muna dito sa kwarto, naka usap ko na din naman ang tatay mo at sinabi kong bumawi sya sayo dahil sa mga ginawa nya kagabi. Paalam na sa inyo ha, aalis na muna ako" - huling habilin ng kanyang ina bago ito lumabas sa kanyang silid at umalis para pumasok sa trabaho.
"Narinig mo yun? Magpapaka bait ka daw sabi ni Inay"- pag uulit ni Jessa sa sinabi ng ina at diniinan pa ng inam ang pagkaka kurot sa tagiliran ni Penelope bago ito bitawan. "Lumabas ka na at ihanda mo ang umagahan namin"- pahabol niyang sabi bago siya lumabas ng kwarto ni Penelope.
Tumayo sa Penelope mula sa kama, ngunit nawalan siya ng balanse kaya't muli siyang napa upo sa sahig. Naka tulala siya sa pader, itinatanim niya sa kanyang imahinasyon ang larawan ng isang masayang pamilya na kabilang siya. Nakikita niya sa pader ang mga imaheng gumagalaw at siya ay napa luha habang gumu guhit ang ngiti sa kanyang labi. Ito ang kanyang inaasam, ang makaramdam ng pagmamahal mula sa kanyang pamilya.
Naantala ang pagli liwaliw ng kanyang imahinasyon ng tumama sa kanyang mukha ang isang bakya. Napa yuko ang kanyang ulo dahil sa sakit nito. "Bobo ka ba ha? mahirap bang intindihin ang sinabi kong mag handa ka na ng almusal?"- galit na galit na sigaw sa kanya ni Jessa. "Pag di ka pa kumilos dyan kakalbuhin na kita."- pagbabanta pa niya bago tumalikod at bumaba sa hagdan.
[bakya - tsinelas]
Hirap man ay pinilit niyang tumayo, pakapit kapit siya sa pader upang hindi siya matumba. Inayos niya ang kanyang mahabang buhok habang siya ay marahang bumababa sa hagdanan, ibinilog niya iyon na parang ensaymada at tinalian upang huwag maka abala sa kanyang mga ginagawa.
"Oh pare, anong atin? Ka aga mo yata mangapit bahay"- rinig niyang sabi ng kanyang ama.
"Napa daan lamang ako para mangamusta, matagal na din tayo hindi nagkita eh kakatapos lang ng training ko sa Maynila. Sa isang araw ay sasakay na ulit ako ng barko"- mahabang wika niya.
Ng naglalakad na siya papuntang kusina ay may nag salita. "Kumpadre, ito na ba ang bunso mong anak? Kalaki na niya ah, nung unang alis ako ay sanggol pa siya"- rinig niyang sambit ng isang lalake na parang nasa edad kwarenta na. Nasa pintuan siya at para bang kadarating lang. Nandun din ang kanyang ama, na siyang nag bukas ng pinto para sa bisita. Nagta taka siya kung bakit napaka aga naman yata ng bisita ng kanyang ama.
"Penelope, mag mano ka sa tiyo Pedro mo"- utos ni Rene sa kaniyang anak. Agad naman sumunod si Penelope at nag mano sa lalaki.
"Kamusta ka na iha? Dalaga ka na ah, may nobyo ka na ba?"- dire diretsong sabi ng lalaki na Pedro daw ang pangalan.
Umiling naman si Penelope at itinaas ang kamay upang mag senyas na okay lang siya. Humalaklak naman si Rene, "Sinabi ko naman sa iyo na Pipi ang batang yan, hindi mo sya mai intindihan, mag aaksaya ka lang ng laway mo kaka tanong."- pang uuyam ni Rene at humalakhak na naman ito.
"Alam kong Pipi ang bata, pero wala naman masama na kamustahin ko siya. Para naman maramdaman nya din na may pakialam sa kanya ang mga tao, at hindi hadlang ang kapansanan niya para magkaroon siya ng normal na buhay."- seryosong
pahayag ni tiyo Pedro at napa tikhim naman si Rene na para bang siya'y napahiya sa kanyang kaibigan.
Nag liwanag naman ang mukha ni Penelope sa tinuran ng lalake, siya'y minsan lamang sa buhay niya ng ganoong pangungusap. Nagkaroon siya ng pag-asa na mababago ang turing sa kanya ng kanyang ama dahil sa sinabi ng lalake, na baka mapag tanto nito na dapat ay anak pa din ang turing sa kanya kahit siya'y may kapansanan.
"Sabihin mo sa ate mo ay ipag timpla kami ng kape, tsaka dalahin dito ang pandesal na naka lagay sa supot"- utos nito kay Penelope ngunit alam naman niyang siya din ang gagawa ng mga iyon kaya dumiretso siya sa kusina at nag handa ng mainit na tubig, kumuha din siya ng pinggan para pag lagyan ng pandesal.
"Gusto ko din ng kape"- sabi ni Oliver na kaka pasok lang sa kusina. Naupo siya sa may hapag kainan at kinuha ang dyaryo na naka patong para magbasa.
Nag timpla siya ng apat na kape, dinala niya sa sala ang dalawang kape at isang pinggan na may pandesal, para sa kanyang ama at tiyo Pedro. "Ang sipag naman ng anak mo, Rene. Ka swerte talaga ng mga magulang kapag ang mga anak ay masi sipag. Kung hindi namatay sa operasyon ang aking anak ay magka edad siguro sila"- kawawa naman si tiyo Pedro, isip isip ni Penelope. Mahal na mahal siguro niya ang kanyang anak, dahil base sa pagkaka banggit niya ay ramdam niya ang pangungulila ng lalake sa kanyang yumaong anak. Mahal din naman ni Penelope ang kanyang ama kahit na malupit ito sa kanya. Kaya lang ay di niya maiwasan na mainggit sa ibang bata na palaging inaalagaan ng kanilang mga ama.
Patuloy na nag usap ang mag kumpare habang si Penelope naman ay nag balik na sa kusina para mag kape, inihain din niya ang kape ng kanyang kuya bago siya naupo sa kabilang dulo ng lamesa.
"Akin yan"- biglang sumulpot si Jessa at itinulak si Penelope kaya nahulog ito sa upuan. Kinuha ni Jessa ang kanyang silya pati kape na kanyang tinimpla para sa kanyang sarili.
Hindi na lamang siya kumibo, sa halip ay nag timpla siya ng panibagong kape. Hangga't maaari ay iiwas siya sa gulo, dahil kapag sinaktan naman siya ng kanyang ate ay ayaw din niyang gumanti. Ayaw niyang sya ay mananakit din ng kapamilya, dahil iniisip niya na kapag ginawa niya iyon, ay wala na siyang kaibahan sa kanila.
Umupo siya sa upuan na katapat ng kanyang kuya. Tahimik silang nag kape, tila payapa sa kusina at walang nagba badyang pananakit. Dinama ni Penelope ang katahimikan ng paligid at siya ay bahagyang napangiti. Kay sarap ng ganito, sana ay ganito na lang palagi.
Alam niyang hindi mangya yari na humingi ng tawad sa kanya ang ama dahil sa pambu bugbog, ngunit kahit ganun ay uma asa pa din siya. Hini hintay pa din niya na kausapin siya ng mahinahon ng kanyang ama at ituring din siya bilang isang anak.