May Sumaklolo

1634 Words
Pumasok sa banyo si Penelope dahil balak muna niyang maligo, hinubad niya ang kanyang damit para ngunit pagka taas niya ng damit ay nakita niya ang kulay ube niyang tagiliran, hinaplos niya ito habang nag darasal na sana'y hindi siya nabalian ng buto. Sumalok siya ng tubig at marahang ibinuhos sa kanyang katawan na puro sugat at pasa. Nag sabon at nag banlaw ng katawan at pagkatapos ay kinuha ang malaking tuwalya at ibinalot sa kanyang katawan. Bago siya mag bihis ay binuksan niya ang maliit na kabinet sa gilid ng lagayan ng sabon, kinuha ang betadine at bulak, at nilagyan ay kanyang mga sugat sa tagiliran, mukha at hita. Pagka tapos noon ay nag bihis na siya, nagsuot ng malaking damit at padyama upang di makita ang kanyang mga pasa. Lumabas na siya at inumpisahan ang kanyang mga gawain. Ang bahay nina Penelope ay gawa sa bato at pamana ito ng kanilang lolo ng ito ay namatay. Ang pangalawang palapag ay gawa sa kahoy, at naitayo ito noong panahon pa ng kastila. Meron itong hagdanan na gawa din sa kahoy na binarnisan, araw araw itong pinupunasan ni Penelope dahil nagagalit ang kanyang ate kapag ito ay magabok. "Bilisan mong mag linis diyan dahil lilinisin mo pa ang kwarto ko"- utos ni Jessa kay Penelope na kasalukuyang nagpu punas ng hawakan ng hagdan. Hindi naman kumibo si Penelope at itinuloy na lamang ang pagpu punas. "Mga anak, may pasalubong akong tinapay. Ilalagay ko dito sa basket at baka kainin ng pusa."- rinig niyang wika ng kanyang ama. Pag lingon niya sa pintuan ay nakita niya ang mga putik mula sa bota ng kanyang ama at patungong kusina ang mga bakas. Malamang ay galing sa sakahan ang kanyang tatay at hindi man lamang nag atubili na alisin ang bota bago pumasok sa kanilang tahanan at apakan ang sahig na kakatapos nya lamang punasan. Pagod na si Penelope kaka linis ngunit hindi siya kumibo, bandang alas dyis na iyon ng umaga at gutom na siya kaya't pumasok siya sa kusina at aabutin na sana niya ang basket ng tinapay. "Hindi yan para sayo, wag mo yang pakialaman"- nagulat siya ng sigawan siya ng kanyang ama. "Napaka tamad mo talaga, hindi ka muna dapat kumain, tingnan mo ang sahig napaka putik"- pagse sermon pa niya habang hinahawakan ang buhok ni Penelope at inihaharap ang mukha nito sa maduming sahig. Sa isip isip ni Penelope ay nalinis niya na ito kanina, pero dinumihan ng kanyang ama tapos ngayon ay magagalit dahil putikin na ang sahig na malinis naman kanina bago siya dumating. Wala lamang kibo si Penelope iniisip nya na kapag hindi siya nanlaban ay mau umay din sila sa pagma malupit sa kanya, at isa pa ay inire respeto pa din niya ang kanyang tatay kahit na madalas ay sinasaktan siya nito. Binitawan na din ni Mang Rene ang kanyang buhok, dumukot siya ng sigarilyo at lumabas na ng pintuan. Lumakad naman si Penelope at kinuha ang basahan na gamit niya sa pagli linis ng hagdan. Tahimik pa din siya, palibhasa nga ay wala naman siyang masasabi dahil nga pipi naman siya at maski subukan niyang mag senyas ay walang nag aaksaya ng oras na intindihin ang sinasabi niya. Nag tungo siya sa kusina, tinititigan ang basket na may tinapay habang naka luhod sa sahig at pinu punasan ang putik sa sahig. Naririnig na niya na kumakalam ang kanyang sikmura. "Hoy pipi! Hindi ka ba nakaka intindi? Sabi ko'y linisin mo ang kwarto ko dahil sabi ni Inay ay makalat na yun!"- nawala sa tinapay ang kanyang atensyon dahil sa malakas na sigaw ni Jessa. Galit na galit ito at padabog na naglalakad ng mabilis patungo sa direksyon niya. "Aantayin mo pa bang linisin ko yun ha? Pag ako ang nag linis nun kakalbuhin na talaga kita!"- ani Jessa at hinablot ang buhok ni Penelope. Napa daing naman sa sakit si Penelope, pakiramdam niya ay mabu bunot lahat ng kanyang buhok mula sa kanyang anit. "Diba sabi ko sayo, pagka tapos mo sa hagdan ay isunod mo ang kwarto ko!"- sigaw ni Jessa habang naka tapat ang bibig niya sa tenga ni Penelope, napa pikit naman si Penelope dahil nabi bingi siya sa lakas ng sigaw ng kanyang ate. Itinulak siya ng kanyang ate kaya't napa salampak siya sa sahig na may putik. Sinubukan ni Penelope na mag paliwanag sa pamamagitan ng senyas, na tatay niya ang nag utos na linisin ang putik sa sahig. Ngunit walang pakialam si Jessa kung sino ang nag utos, ang gusto niya ay malinis na agad agad ang kanyang kwarto. "Tutal hindi mo malinis ang sahig ay ako na ang magli linis para sayo."- sabi ni Jessa at kinuha ang pitsel ng tubig sa tabi ng basket ng tinapay. Ibinuhos niya ito kay Penelope at pagkatapos ay hinawakan niya sa paa ang dalaga at kinaladkad ito upang mapunasan ang maputik na sahig, na sa totoo lang ay hindi naman nalilinis at bagkus ay lalo lamang dumu dumi dahil sa tubig na ibinuhos niya kay Penelope. Lalong kuma kalat ang putik habang kina kaladkad ni Jessa si Penelope patungong pinto at kusina ng pabalik balik. Si Penelope naman ay hindi magkanda ugaga sa pag iisip ng paraan kung paano hindi masasaktan sa isang baitang ng hagdan na nada daanan kapag papasok ng kusina. "Mabilis ba akong maglinis ha Penelope? Napaka kupad mo kasi at tatamad tamad kaya tutulungan na kitang mag linis"- sabi pa ni Jessa, at si Penelope naman ay hilong hilo na dahil sa pag bagsak ng kanyang likod at ulo tuwing idadaan siya ng ate niya sa isang baitang na hagdan. Hindi pa nakuntento doon si Jessa, higit higit pa din niya sa paanan si Penelope ng umakyat siya sa hagdanan. Ang kanilang bahay ay may labing tatlong baitang. Pag dating niya sa pinaka taas na baitang ay binitawan niya si Penelope at dumausdos siya pababa ng hagdanan at nagpa gulong gulong. "Sa susunod na may iuutos ako sa iyo ay sundin mo agad. Kundi ay ilalagay na lang kita sa sako at ihuhulog kita doon sa irigasyon. Niiantindihan mo?"- sabi pa ni Jessa na nasa pinaka taas ng hagdanan. Pagka sabi noon ay tumalikod na siya at pumasok sa kanyang kwarto. Si Penelope naman ay tila naparalisa, hindi niya mai galaw ang kanyang katawan dahil sa sakit ng pagkaka hulog niya sa hagdanan. Umi ikot ang kanyang paningin at tila nasu suka siya dahil sa labis na pagka hilo. 'Kaya ko ito. Dapat bilisan kong mag linis para malinis ko na ang kwarto ni ate. Siguro matu tuwa siya kapag mabilis akong sumunod sa mga utos niya.'-ito ang sinasabi ni Penelope sa kanyang sarili. Pinapa lakas niya ang kanyang loob, ngunit hindi na nga niya kinaya at siya ay nawalan ng malay. Samantala, may isang lalaki na napa daan sa tapat ng kanilang bahay. Bukas ang gate at pinto ng bahay kaya natanaw niya na may babae na naka handusay sa paanan ng hagdanan at naisip niya na baka naaksidente ito. Dali dali siyang pumasok sa bahay at dinaluhan ang dalaga "Binibini, ayos ka lang ba??"- agad na tanong nito at tina tapik sa pisngi si Penelope. Paulit ulit niyang ginawa iyon, habang tinitingnan kung may dumu dugo ba o kung anong anong napinsala sa kanya. Narinig siya ni Jessa kaya't lumabas ito sa kwarto at nakita niya ang lalaki na nasa tabi ni Penelope. "Sino ka?"- tanong ni Jessa sa lalaki. "Walang malay itong babae, tumawag ka ng tulong"- hindi siya sinagot ng lalake sa kanyang tanong at sa halip ay binuhat niya si Penelope. "Huwag!"- bulalas ni Jessa at napa tingin sa kanya ang lalaki na may pagta tanong sa mga mata nito. "Ahh, ano kasi, may sakit talaga sya, nahi himatay, may epilepsy ganun"- hindi mag kanda ugaga na paliwanag niya. Hindi nila pwedeng dalhin sa pagamutan si Penelope dahil makikita nila ang mga sugat at pasa niya na kadalasan ay nata takipan lang ng suot niyang damit. "Dalhin mo dito sa kwarto niya"- utos niya sa lalaki at sinamahan ito sa kwarto ni Penelope habang buhat ito ng lalaki. "Dito na lang, ako na ang bahala sa kanya makaka alis ka na. Salamat sa tulong"- pagta taboy niya sa lalaki. Nakatayo naman ang lalaki sa tabi ng kama ni Penelope at hindi ito gumagalaw o umaalis. Matamang naka tingin ang lalaki sa itsura ni Penelope, ramdam niya na may kakaiba sa babaeng ito. Nagta taka siya kung bakit napaka dumi ng suot nitong damit, at nag kalat din ang putik sa sahig. Hindi maganda ang kanyang pakiramdam ngunit hindi siya makapag gawa ng konklusyon base sa napaka unting ebidensya na meron siya. Ang lalaki ay nag aaral ng pagpu pulis at nagba bakasyon lamang sa kanilang barangay. Sa unang taon pa lamang niya sa pag aaral ay marami na siyang natutunan at alam niyang hindi siya maaaring makagawa ng konklusyon kung limitado ang nalalaman niya. Alam din niya kung nagsi sinungaling ang isang tao, kaya't alam niya na may dapat siyang matuklasan ngunit hindi niya matutukoy kung ano iyong hangga't hindi siya nakaka gawa ng hakbang upang mag imbestiga. Kaduda duga ang mga pasa nito sa tagiliran, na nakita niya dahil pag dating niya ay bahagyang naka taas ang damit ni Penelope at naka lantad ang parteng tiyan nito. "Sino ka nga pala? Anong pangalan mo?"- lumapit sa kanya si Jessa at napansin niya na may itsura pala itong lalaki. Ngunit tiningnan lamang siya ng lalaki at tumalikod na ito at dire diretsong bumaba ng hagdan at lumabas sa pintuan. Hindi man lamang niya binanggit ang kanyang pangalan. Sa isip isip ng lalaki ay babalik siya sa bahay na iyon para mag masid masid pa at kaibiganin ang dalagang walang malay. Dapat siyang maging matalino at mapag matyag kung nais niya na maka tulong.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD