Kaibigan

2098 Words
Nagising si Penelope ng maka ramdam siya ng ginaw, at kasunod nito ay ang kanyang pag ubo. Nakahiga siya sa kanyang kama, at napansin niya na ang kanyang suot ay putikin pa din, medyo basa pa ito dahil sa pitsel ng tubig na ibinuhos sa kanya ng kanyang ate. Inu ubo na siya, siguro ay pinasok na ng lamig ang kanyang katawan dahil naka babad ang ito sa mga basa niyang damit. Sobrang sakit din ng kanyang ulo, at pakiramdam niya ay umiikot ang paligid. Nasu suka na siya dahil sa halo halong sakit na nararamdaman niya, sumilay siya sa bintana at palagay niya ay alas tres na ng hapon dahil sa posisyon ng araw sa kanluran. Naramdaman niya na kumulo ang kanyang sikmura, nagu gutom na siya. Ang huli niyang ini laman sa kanyang sikmura ay yung kape na ininom niya kanina pang umaga, walang meryenda, wala ding tanghalian, at pinabayaan siyang walang malay pagka tapos na siya ay mahimatay mula sa pagkaka hulog niya sa hagdanan. Sinubukan niyang bumaba sa kanyang higaan, ngunit ng siya ay patayo na, natumba siya at napa salampak ang kanyang katawan sa sahig. Hindi niya kayang suportahan ang kanyang sarili, ni hindi man lamang siya maka tayo ng ma tuwid dahil sa panghi hina at pangla lambot na kanyang nararamdaman bunga ng gutom at sakit ng katawan. Muli ay sinubukan niya ngunit hindi talaga niya magawa na tumayo sa kanyang mga paa. Tinulungan niya ang kanyang sarili upang maka upo sa kama, at nahagip ng kanyang palad ang isang laruan na nakapatong sa kanyang higaan. Kinuha niya ito, pinagmasdan, ito na lang ang maitu turing niyang kaibigan. Pinangalanan niya ang stuffed toy na kulay rosas na may itsurang oso, tina tawag niya itong Sabrina. Itong kanyang manika na lang ang lagi niyang ka yakap tuwing siya ay nalu lungkot o tuwing siya ay umi inda ng labis na sakit. Niyakap niya si Sabrina, malambot ito at masarap yakapin. Guma ganda ng bahagya ang kanyang pakiramdam dahil alam niya na lagi syang sinasamahan nitong kanyang kaibigan. Nagsu sumbong siya kay Sabrina, sina sabing siya ay pagod na pagod na, habang patuloy na uma agos sa kanyang pisngi ang mga luha ng pagka bigo. Gustong gusto ni Penelope na kumapit pa, gustong gusto niyang maniwala na may pag asa pa, na darating ang araw na mararanasan niya ang pagma mahal ng pamilya, paga aruga ng kadugo at ang pag tanggap na walang maliw. Napa ngiti siya, dahil pakiramdam niya ay ngini ngitian siya ni Sabrina, pakiramdam niya ay sina sabihan siya nito na 'tumahan ka na, nandito lang ako para sayo'. Muli ay niyakap niya ang manika, nagkakaroon siya ng tapang at lakas ng loob dahil sa sobrang pagma mahal niya sa pamilya. Nagkakaroon siya ng tapang at pag asa, dahil tuwing naki kita niya si Sabrina ay naa alala niya ang kwento ng kanyang ina kung paano niya ito na tanggap. ---Nakaraan--- Si Mang Rene ay nagla lakad sa palengke at namimili ng mga pagkain ni Olivia, nasa ospital ang kanyang asawa dahil ito ay manganganak na. Bumili siya ng mga prutas at gulay, lahat ng makita niya na masustansya at masarap kainin ay tila nabili na niya. Nasa sabik na din siya na makita ang kanyang anak at gusto niyang siguraduhin na magiging malusog ito. Habang nag uuli siya sa palengke ay natanaw niya ang isang teddy bear na kulay pink sa may di kalayuan. Napukaw ng laruan ang kanyang atensyon, lumapit siya at tiningnan ito, natuwa siya dahil kasing laki ito ng isang gaong gulang na bata. Naisip niya na magandang ibigay niya ito sa kanyang bagong silang na anak, para ito ang pinaka unang regalo na kanyang mata tanggap. Habang pina panood ang iba pang manika at laruan sa tindahan ay may biglang tumawag sa kanyang pangalan. "RENE!"- nagulat siya at biglang napa lingon. Huma hangos ang kanyang kumapareng Pedro. "Bakit?"- tugon niya ng maka lapit sa kanya ang kumpare na nagha habol ng kanyang hinga. "Yung asawa mo'y manganganak na!"- bulalas nito habang hingal na hingal at naka kapit sa kanyang dibdib dulot ng sobrang pagod sa pag takbo. Natarantang maigi si Rene, hindi niya alam ang dapat gawin dahil kailangan na niyang maka rating agad sa ospital upang daluhan ang kanyang asawa. Tumakbo siya ng sobrang bilis at naiwan niya sa tapat ng tindahan ng laruan ang kanyang mga pinamili. Nakarating siya sa ospital sa pamamagitan ng pag takbo, dahil malapit lang naman ang ospital sa may pamilihang bayan, isang sakay lang ng padyak ay mararating agad niya ang ospital. Ngunit dahil labis siyang nagma madali at nai inip siya dahil sa sobrang bagal nitong sinasakyan ay pinili na lang niyang tumakbo ng matulin. [padyak- pedicab] Pag dating niya sa ospital ay naka panganak na si Olivia, naka higa na ito habang hawak hawak ang kanilang munting anghel. Ang kasalukuyang taon noon ay 2000 at ipinanganak si Penelope sa ikalawang araw ng Nobyembre. "Ano iyang dala mo"- nanghi hinang tanong sa kanya ni Olivia, dulot ng kanyang panganganak ay na ubos ang kanyang lakas. Napa tingin sa si Rene sa kanyang kamay at nakita nga niya na hawak hawak nya pa ang pink na teddy bear, napag tanto niya na hindi man lamang niya ito nabayaran. Na isip niya na baka akala ng mga tao ay magna nakaw siya. Napag tanto nya din na naiwan nya ang kanyang pinamili. Ang ginawa niya ay bumalik siya sa palengke dala ang laruan, balak nyang ibalik sa tindahan ang laruan at kunin na din ang kanyang mga pinamili. "Ale, ito na po pala ang teddy bear, pasensya na po at nadala ko pala."- pag hingi niya ng paumanhin sa may ari ng tindahan. "Naku! Wala pong problema, ito nga pala ang inyong bayong, naiwan nyo po dito sa harap ng tindahan nung kayo ay nagma madaling umalis"- sabi ng babae at iniabot sa kanya ang basket ng kanyang pinamalengke. "Ito na ho ang laruan"- wika naman ni Rene at ini aabot sa babae ang laruan. "Hindi na po kuya, inyo na po iyan. Regalo ko na ho iyan sa inyong anak na bagong panganak."- wika ng ale at nginitian niya si Rene. "Maraming salamat po! tiyak na matu tuwa ang aking anak pag laki niya Iku kwento ko sa kanya na sa inyo galing itong laruan!"- tuwang tuwa na sabi ni Rene, hindi pa niya napigilan ang sarili at niyakap niya ang ale. "Maraming salamat po talaga, pasensya na din po ulit. At salamat po dahil hindi ninyo ako ipina huli sa pulis, sa salang pagna nakaw ng inyong paninda"- savi pa niya at parehas silang napa tawa ng tindera. "Sige na, lumakad ka na at ng maalagaan mo na ang iyong mag ina"- naka ngiting wika ng ale at nagpa salamat pa muli si Rene bago tuluyang umalis at umuwi dala dala ang manika. ---Kasalukuyan--- Simula ng malaman ni Rene na ang kanyang ay hindi nakakapag salita, nahiya siya, ikina hiya niya si Penelope. Ini isip niya na pinagta tawanan siya ng mga tao dahil ang kanyang anak ay may kapansanan at simula noon ay lagi na siyang galit sa anak niya at ayaw niyang naki kita ito ng mga tao. Kaya madalas ay nasa bahay lang siya tuwing may okasyon na dina daluhan ang buong pamilya. Wala naman magawa si Olivia kapag ayaw isama ni Rene ang kanilang anak. Nung naala ala niya ang kwento ni Sabrina, naisip niya na baka pwede pa niyang mai balik ang lahat sa dati. Iniisip niya na kung susundin niya ng mabilis ang utos ng kanyang tatay at mga kapatid ay mai isip din nila na siya ay kamahal mahal at katanggap tanggap bilang miyembro ng kanilang pamilya. Kahit alam niya na ang pagiging parte ng pamilya ay hindi pinagta trabahuhan, ay wala siyang ibang maisip na paraan upang makita ng pamilya ang kanyang halaga. Muli ay pinilit niyang tumayo, ngunit napa upo lamang ulit siya sa sahig. Naka ramdam na naman siya ng pagka hilo at yun ang dahilan kung bakit hindi nya magawang lumakad ng matuwid. Pagapang siyang pumunta sa banyo, balak niyang maligo muna upang ma ibsan ang pagka hilo at mapalitan ang damit niya na basa at putikin. Pag angat niya ng damit niya ay nakita niya ang mga pasa at sugat sa kanyang binti, tyan at tagiliran. Tinitigan niya ang kanyang katawanal at siya ay naawa sa kanyang kalagayan, ngunti ini waksi agad niya ang kanyang nai isip, alam niyang mawa wala din ang mga galos na ito. Marami din siyang ganito noon pero nawala din naman pag lipas ng panahon, isip isip niya. Sumalok siya ng tubig mula sa balde. Dahan dahang ibinuhos sa kanyang katawan, napapa singhap siya tuwing mapapa dampi sa kanyang balat ang malamig na tubig sa balde na nang galing sa gripo. Nilinis niyang mabuti ang kanyang katawan, dahil may putik na natuyo sa kanyang balat at medyo nanga ngati na siya. Mabilis siyang naligo habang maya't maya ay dina dalahik siya ng ubo. Gagaling din ito, sa isip isip niya. Pagla tapos maligo ay kinuha niya ang tuwalyang naka bitin at tinulungan niya ang kanyang sarili upang abutin ang maliit na kabinet na katabi ng kanyang sabon, kumuha siya ng bulak at betadine mula dito. Piniga sa bulak ang kakauti nang betadine at ipinahid sa mga gasgas na nasa kanyang katawan. At pagka tapos noon ay nag bihis na siya, padyama at malaking damit, upang hindi na makita ng kanyang ina ang kanyang mga sugat. Naka tulong naman sa kanya pag ligo niya dahil naibsan ng bahagya ang pagka hilo niya. Dali dali siyang pumunta sa kwarto ng kanyang ate, kumatok siya ngunit walang suma sagot kaya't binuksan na lamang niya ang pintuan. Naka hinga naman siya ng maluwag ng makita na wala ang kanyang ate sa kwarto, ibig sabihin ay tahimik niyang magagawa ang kanyang pagli linis. Nag simula na siya sa kanyang dapat gawin, pinulot ang mga naka kalat na damit, inilagay sa basket at inayos ang kama. Pinalitan niya ang mga punda ng unan at kobre kama, at inilagay sa basket sa isang tabi ng kwarto. Bukas nya na lalabhan ang mga ito dahil aabutin na siya ng gabi kapag ngayon nya ito ginawa. Matapos mag linis sa kwarto ng ate ay kumatok naman siya sa kwarto ng kanyang kuya. Wala din suma sagot, malamang ay nasa bahay siya ng kanyang kaibigan. Ngunit mas mabuti iyon dahil wala nang mang aabala pa sa kanyang trabaho. Ganoon din ang ginawa niya, nilinis ang higaan at madu duming kumot at punda. Pati ilalim ng kama ay madumi, kaya't lumuhod siya upang linisin ito. Naka kita siya ng mga naka bilot na tissue sa ilalim ng kama, meron ding isang maliit na bote ng lotion doon na wala ng laman. Kinuha niya ang mga yun at inilagay sa maliit na sako na kanyang dala dala na sadyang lagayan niya ng basura. Nakakuha din siya ng mga magasin, tiningnan niya ang mga ito, ang pinaka unang pahina na kanyang nakita ay may hubad na larawan ng isang babae. Nata takpan lamang ang maseselang bahagi ng katawan ngunit hubad talaga ito. Hindi niya nauunawaan kung para saan ang mga librong ito, dahil bata pa nga at wala pang muwang sa mga sekswal na bagay. Akala niya ay gamit iyon sa eskwela ng kanyang kuya. Itinuloy niya ang pagwa walis at pag iimis, ibinalik din niya ang mga magasin kung saan niya ito nakuha dahil baka doon ito hanapin ng kuya niya. Pagkatapos ay balak na niyang bumaba sa kusina at mag luto na ng hapunan ng makita niya ang kanyang tatay, naka upo ito sa kanilang sofa at may babae na naka upo sa ibabaw niya, naka hubad ito, literal na walang saplot, at isa pa'y hindi kilala ni Penelope ang babae na kasama ng kanyang ama. Nagla lapat ang kanilang mga labi at umi indayog ang kanilang katawan. Maingay sila. At tila nabi bingi si Penelope dahil doon sa eksena. Tinakpan niya ang kanyang mga tenga, ngunit hindi niya maalis ang kanyang paningin sa ginagawa ng dalawa. Wala siyang ideya sa nangya yari, ngunit alam niya na mali iyon. Sinubukan niyang lumakad ng marahan pababa ng hagdan, pupunta sana siya sa kusina ng tahimik dahil pihadong mamamalmaan siya kapag dumating ang ate niya at wala pang ulam o sinaing. Lumakad siya ng walang tunog sa abot ng kanyang makakaya, ngunit sa sa kasamaang palad ay nadulas siya sa huling baitang ng hagdanan. Nagulat ang dalawang nasa sofa dahil sa ingay ng kalabog at nakita siya ng kanyang ama. "Anak ng!"- wika nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD