Inosente

1761 Words
Pinilit niyang lumakad ng walang tunog. Tahimik siyang nag lakad sa abot ng kanyang maka kaya, ngunit sa sa kasamaang palad ay nadulas siya sa huling baitang ng hagdanan. Nagulat ang dalawang nasa sofa dahil sa ingay ng kalabog at nakita siya ng kanyang ama. "Anak ng!"- wika nito. Dali daling pina alis ni Rene ang babae sa ibabaw niya at isinuot ang kanyang salawal, agad namang binalot ng babae ang kanyang katawan gamit ang tuwalya. "Bastos kang bata ka! Bakit mo kami pinapanood?"- singhal nito kay Penelope habang palapit siya dito at ng maka dais ay hinablot niya ito sa buhok. Si Penelope naman ay napa igtad dahil sa higpit ng hawak ng kanyang ama na may kasamang panggi gigil. Umiiling siya, nais mag paliwanag na pupunta lang siyang kusina upang mag luto at wala siyang ibang intensyon. Ni hindi nga niya alam kung ano ang kanilang gina gawa. Hindi niya alam na nagta taksil ang kanyang ama at nakikipag talik ito sa ibang babae, sa loob mismo ng kanilang pamamahay. Sinampal ni Rene ang anak habang mariin pa ding hawak ang buhok nito. "Hindi mo sasabihin kahit kanino ang nakita mo dito, naiintindihan mo?"- utos ni Rene at kinalog kalog ang ulo ni Penelope sa pamamagitan ng pag hila sa buhok nito. Tumulo ang luha ni Penelope dahil sa labis na sakit ng sampal ng kanyang ama, wala siyang ibang nagawa kundi ang tumango na lamang upang maiwasan ang mga susunod pang gagawin ng kanyang ama kapag hindi agad siya sumang ayon sa gusto nitong mangyare. "Sa oras na mag sumbong ka, sisiguraduhin kong walang maniniwala sayo at mapapa layas ka sa pamamahay na ito"- banta pa niya. Muli ay marahang tumango si Penelope, binitawan naman siya ng kanyang ama at muli ay lumapit ito sa babae at hinalikan ito sa labi, habang hinahaplos ang malusog nitong dibdib. Naasiwa na si Penelope sa kanilang ginagawa, kaya't mabilis siyang tumayo at pumasok sa kusina, natanaw naman niya na hinigit ng kanyang ama ang babae patungo sa itaas ng bahay, palagay niya ay pumasok ang mga ito sa isang kwarto doon dahil narinig niya ang pag bukas at pag sara ng pintuan sa ikalawang palapag. Ngunit kahit nasa baba siya ay nari rinig pa din niya ang malaswang halinghing ng babae at ang malakas nilang ungol sa itaas. Nag simula na siyang mag gayat ng sibuyas at bawang upang maumpisahan na ang kanyang paglu luto. Pagka tapos noon ay nag lagay ng mantika sa kawali at nag simula siyang mag gisa. Kasabay noon ay nagsa saing din siya at nag hugas ng mga pinggan. Pinunasan din niya ang lamesa, pagka tapos mag luto ay nilinis ang buong kusina at ini handa ito upang matuwa ang kanyang ina pag uwi nito. Pawisan na si Penelope dahil ma init sa kusina at isa pa ay pagod na siya sa mga gawain. Bukod pa doon ay nangi nginig na siya dahil gutom na gutom na siya at wala pa din kina kain. Lumakad siya palapit sa basket na pinagla lagyan lagi ng tinapay na pasalubong ng kanyang ama, umasa na may laman pa ito upang maka kain muna siya, ngunit labis ang kanyang pagka dismaya ng makitang wala na itong laman. Ibig sabihi'y hindi pa siya makaka kain hanggang hapunan Tumahimik na din ang ingay mula sa kwarto sa itaas, uupo na sana si Penelope sa sofa upang magpa hinga saglit dahil tapos na ang kanyang gawain, ngunit bumukas ang pinto at pumasok doon ang kanyang kuya Oliver. Nag taka siya dahil pulang pula ang mga mata nito at dilat na dilat. Akala pa ni Penelope ay may sakit ito, sore eyes agad ang pumasok sa isip niya. Si Penelope ay wala pang kaalam alam sa mga bagay sa labas. Walang muwang sa usaping sekswal, droga o sugal. Hindi niya maunawaan kung bakit siya ginu gulpi ng kanyang ama tuwing nata talo ito sa pustahan, dahil hindi naman niya alam kung ano ang pagsu sugal at bakit kailangan ay lagi siyang sasabihan na sya'y malas o siya ang dahilan kung bakit nata talo ang ama sa sugal. Naka tingin lamang si Penelope sa kanyang kuya, paikot ikot ito sa sala nila. Maya maya pa'y tumigil ito at tila naka pokus ang atensyon sa isang bagay na nasa sahig. Lumapit ang kuya niya sa mga damit na naka kalat sa katabi ng sofa. Hinalungkat ang mga naka bunton at binunot mula doon ang isang pitaka. Pagma may ari yun ng kanyang ama, binuklat ito ni Oliver at bumunot dito ng mga kulay asul na papel. Pagka tapos ay muling ibinalik ang pitaka sa bulsa ng pantalon kung saan niya ito nakuha. Dali dali siyang tumayo at paalis na sana ng harangin siya ni Penelope, alam niya na nag nakaw ang kanyang kuya at alam din niya na sya ang pagbi bintangan ng kanyang tatay dahil sa nawalang pera. Ini harang niya ang kanyang sarili sa pintuan at pinigilan ang kanyang kuya na maka alis. "Tumabi ka dyan!"- utos sa kanya ng kuya niya habang nangi nginig ang kamay na hawak hawak ang pera. Marahas na umiling si Penelope, hindi siya aalis dahil kapag pina daan niya ang kuya niya ay tiyak na mapa patay na sya ng kanyang ama. Alam niyang hindi iintindihin ng tatay niya ang kanyang mga sensyas at hahagupitin siya nito ng walang awa. "Sabi ng tumabi ka dyan!"- gigil na utos ni Oliver ngunit hindi pa din nati tinag si Penelope sa kanyang pagkaka tayo sa harapan ng pinto. Tila lalong nanla laki ang pagkaka mulagat ng kanyang kuya, kitang kita ni Penelope ang namumula nitong mga mata at pansin din niya na singhot ito ng singhot. "Sabi ko'y umalis ka"- singhal nito at dinamba si Penelope kaya't napa sandal ito sa pintuan. Inabot niya ang leeg ni Penelope at marahas itong sinakal, nanlaban naman si Penelope at itinu tulak ang kuya niya, ngunit hindi sapat ang lakas niya upang pigilan ang kuya niya sa gina gawa nitong pananakal sa kanya. "Kapag sinabi ko ay sumunod ka!, ayaw ko sa mga pipi na mati tigas ang ulo"- gigil na bulong ni Oliver, pini pilit niyang huwag mag ingay dahil baka marinig siya ng kanyang ama. Alam nyang nasa bahay lang ang kanilang tatay dahil hindi ito uma alis na hindi dala ang kanyang pitaka. Habang sakal sakal si Penelope ay niyugyog pa niya ito dahil sa sobrang panggi gigil. Si Penelope naman ay hindi na maka hinga at pina palo na ang kamay ng kanyang kuya upang bitawan siya, at nagku kulay pula na din ang kanyang mukha ngunit wala siyang magawa upang maka wala. Napa bitaw si Oliver ng isang malakas na suntok ang dumapo sa kanyang mukha. Napa bulagta siya sa sahig at nabitawan ang mga pera na kanyang hawak. Si Penelope naman ay dumausdos sa pintuan, napa upo sa sahig habang naka hawak sa dibdib at hina habol ang kanyang pag hinga. Tumayo si Oliver habang pinu punasan ang dugo na duma daloy mula sa kanyang ilong. Umi ikot pa ang kanyang paningin at ng siya ay mahimasmasan ay nakita niya ang isang hindi kilalang lalaki na naka tayo sa pintuan, naka jacket ito na may sumbrero at may suot na panyo sa kalahati ng kanyang mukha. "Sino ka!?"- sigaw ni Oliver sa lalaki. Hindi naman siya nag antay ng sagot mula sa lalaki at umamba din siya ng suntok upang maka ganti. Dulot ng pagka hilo ay hindi niya tinamaan ang lalaki at sa halip ay nasuntok pa siya nito ng isa pa, na syang naging dahilan para muli siyang mapa salampak sa sahig. Narinig ni Rene ang kalampagan sa ibaba ng bahay kaya siya ay dali daling dumampot ng tuwalya. "Anong nangya yari?"- sigaw niya pagka bukas ng pintuan ng kwarto. Narinig ito ng lalaking estranghero kaya't aalis na sana siya, ngunit napa tingin siya sa mga pera sa sahig. Nag dalawang isip pa siya, ngunit sa huli ay mabilis niyang dinampot ang pera, tumingin kay Penelope, at pagka tapos ay kumaripas ng takbo palayo. Tumatak sa isip ni Penelope ang titig na iyon ng lalaki. Naka alis na ang estranghero at naka baba na din ang kanyang ama ay naka tingin pa siya sa direksyon kung saan tumakbo ang lalaki. "Oliver! Anong nang yari sa iyo?"- naga alalang tanong ni Rene sa kanyang anak. Dinaluhan niya ito at tinulungang umupo ngunit wala itong malay, "Oliver! Oliver gising!"- tawag niya sa anak habang kina kalog ito sa balikat ngunit hindi pa din siya nagi gising. "Anong ginawa mo! Kapag may nang yaring masama sa anak ko ay hindi kita mapapa tawad!"- galit na galit na sigaw ni Rene kay Penelope. Naka tingin lamang si Penelope sa labas ng pinto, naka tulala ngunit nari rinig niya ang kanyang ama. Pini pilit huwag masaktan, gusto niyang isipin na mahal din naman siya ng kanyang ama kagaya ng pagma mahal nito sa kanyang kuya. Na kung siya ang nasa ganung kalagayan ay dadaluhan din siya at aalagaan ng kanyang ama. Ngunit kahit anong gawin niyang pangungumbinsi sa sarili ay mas lalo lamang tuma tatak sa isip niya na sadyang iba siya, sadyang ang pagma mahal ay hindi para sa kanya. Dali daling nag bihis si Mang Rene, binuhat patungo sa sofa ang anak na si Oliver at mabilis na tumungo sa matandang manggagamot na naka tira sa may di kalayuan sa kanilang bahay. Pagka alis ng ama ay bumaba naman sa hagdanan ang babae nito, bagong ligo at suot ang bistida na regalo sa kanya ng kanyang ina. Napa tayo siya mula sa pagkaka salampak sa may pintuan. Pinipilit na mag salita ngunit walang lumalabas sa bibig mundi mga walang kabuluhang tunog, sume senyas din siya at ipinapa hubad sa babae ang kanyang damit. "Anong sabi mo?"- mapang uyam na wika ng babae, habang sinisindihan ang kanyang sigarilyo. Bumaba ng hagdan ang babae, habang si Penelope naman ay lumalakad din palapit ay nagse senyas pa din siya na hubadin ng babae ang kanyang damit. "Hindi kita marinig"- wika ng babae at lalampasan na sana niya si Penelope, ngunit bumitin ito sa damit at pinilit na hubadin ito sa babae. "Bastos! Wag mo akong hubaran!"- pagpu pumiglas ng babae at kanyang itinulak si Penelope. Napa bitaw si Penelope ngunit muli siyang lumapit upang higitin ang damit at piliting hubadin ito sa babae. Hindi siya papayag na may mawawala sa kahit alin na regalo sa kanya ng kanyang mga magulang. "Bitawan mo ko!"- sigaw ng babae at isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ng babae. Sinampal siya ni Penelope!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD