Napa hawak ang babae sa pisngi niya at napa nganga dahil sa ginawa ng bata. "Aba! at lumalaban ka pala!"- nanggi gigil na sabi ng babae at sinampal din niya si Penelope.
'Mahina'- sabi ni Penelope sa kanyang sarili. 'Walang wala ang sampal mo sa mga palad na dumapo saking mukha'- isip isip ni Penelope at napa ngisi siya habang naka paling pa ang kanyang ulo sa direksyon kung saan siya sinampal ng babae. Kasabay ng kanyang pag harap sa babae ay ang pag lipad ng kanyang kamay, at gamit ang buong lakas ay isinampal ito sa babae. Kasing lakas ng sampal sa kanya ng kanyang ate. Lumagapak ito sa pisngi ng babae at napa salampak ito sa sahig. Yun ang kinuhang pagkakataon ni Penelope upang hubadin ang bistida mula sa babae, hinigit niya sa paa ang babae dahil ayaw nitong ituwid ang kanyang katawan kaya nahihirapan siyang hubadin ang damit mula dito. Pagka higit sa paa ay sinuntok pa niya sa mukha ang babae, kasing lakas ng suntok sa kanya ng kanyang kuya tuwing hindi masarap ang pagkaka timpla niya sa kape nito.
Nang mahubad ni Penelope ang damit ay nahimasmasan na siya at nabawasan na ang kanyang galit. Hindi niya maisip kung paano niya nagawa ang mga yun, kung paano siya naka panakit at sa sobrang pagka lito ay pinili niyang tumakbo at ikulong ang sarili sa kanyang kwarto.
Dala siguro ng galit, o siguro ay dahil nais lamang niyang protektahan ang mga mahalaga sa kanya kaya nya nagawa ito.
Narinig niya na may mga galit na yabag ng paa. "Penelope"- narinig niyang tawag ng kanyang ama, galit na galit ito na nagma martsa paakyat ng hagdanan.
Nanatili naman siya na naka sandal sa pintuan ng kanyang kwarto, yaakp yakap ang bistida na regalo sa kanya ng kanyang ina.
"Penelope, lumabas ka riyan"- at kinalampag niya ng kinalampag ang pintuan ng kwarto ng anak. "Wawasakin ko itong pintuan kapag hindi kk ito binuksan"- pagba banta nito at ipinagpa tuloy pa ang pag kalampag sa pintuan.
Maya maya pa ay tinadyakan nga ni Rene ang pintuan, naramdaman ni Penelope na masi sira nga ang kanyang pintuan, ngunit hindi pa din niya inalis ang kandado, bagkos ay tumakbo siya sa ilalim ng kanyang kama at doon siya nag tago.
"Penelope! Magna nakaw kang animal ka! Ilabas mo ang pera ko!" - at muli ay sinipa niya ang pinto at narinig ni Penelope ang malakas na pag lagapak nito sa sahig. "Ilabas mo ang pera ko!"- muling utos niya at binuksan ang banyo ni Penelope ngunit wala siyang nakita. Binuksan ang aparador ngunit wala pa din ito doon. Pagka tapos ay sinilip niya ang ilalim ng kama at nakita na naka dapa doon si Penelope. "Lintik kang bata ka!"- sambulat niya at nagulat si Penelope.
Nang oras ding iyon at sinunggaban ni Rene ang paa ng anak. Hinigit niya nito at pinilis palabasin sa ilalim ng kama. "Nasaan ang pera ko!?"- sigaw ni Rene at bigla nitong dinakot ang mukha ni Penelope. Hindi naman magka mayaw si Penelope sa pag iling, at pag tanggi sa ibini bintang na pagna nakaw sa kanya. Sinubukan niyang mag senyas at sabihin na hindi niya kilala ang lalaki na kumuha ngunit tinabig ng kanyang ama ang kanyang kamay na ang tawag niya ay 'malilikot na kamay'
"Huwag mo ng subukang mang bintang dahil kapag napa tunayan kong nasa iyo ay puputulin ko yang mga kamay mo! at sigurado akong nasa iyo yun!"- sigaw nito at inilabas ang balisong mula sa kanyang bulsa. Itinapat ito sa kamay ni Penelope at naka amba na tila'y gagayatin ang kanyang kalamnan.
"Ilalabas mo ba o hindi?!"- sigaw ni Rene sa anak, na syang dahilan para mapa hagulgol sa takot si Penelope. Wala man siyang kakayahan mag salita ay may tunog pa din naman siyang naga gawa. Buong lakas na umi iling at pilit bina bawi ang kanyang braso mula sa pagkaka hawak ng kanyang ama ngunit wala siyang magawa dito dahil mahina siya kumpara sa ama.
"Isa!"- pag uumpisa nito ng bilang at mas idiniin ang pagkaka dikit ng patalim sa kanyang balat, ipinapa rating niya na tototohanin talaga niya ang banta niya kay Penelope.
Takip silim na at darating na ang kanyang ina, inaasahan niya na may kakampi na siya at patitigil pansamantala ang kanyang pag durusa.
"Anong ginawa mo sa kapatid mo!? at anong ginawa mo sa pera ko?"- pagta tanong niya. "Isa pa ay bakit ka ba dumating sa buhay ko, napaka saya ko na ng wala ka!" galit na galit nitong wika na para bang si Penelope ang pinaka malas na bagay na meron siya.
Sa pamamagitan ng senyas ay sinabi niya na ang kuya niya ang kumuha ng pera ngunit ninakaw ito ng lalaki. Ngunit isang malakas na sampal ang tumimo sa kanyang mukha, "Sinungaling! Ang anak ko'y hindi magna nakaw na katulad mo!?"- pagta tanggol nito kay Oliver.
Kumurot ang mga salitang ito sa puso ni Penelope. Iniisip niya na sya'y kinalimutan na talaga ng kanyang ama, hindi na talaga sya nito kini kilala bilang anak.
Isang malakas na tunog ang umalingawngaw sa silid na iyon. Ang palad ni Rene ay dumapo sa pisngi ni Penelope! Siya'y sinampal ni Rene. "Hindi mo ba talaga ilalabas ang aking pera?!"- sigaw nito. Nang hindi pa din kumi kibo si Penelope ay kinaladkad niya ito pababa ng hagdan, higit higit niya ito sa braso.
Nakita ni Penelope na may manggagamot na duma dalo sa kanyang kapatid at may malay na din ito. Ngunit hindi nito pina pansin ang gina gawa dito ng ama, wala lamang siyang paki alam maski pa patayin ni Rene si Penelope dahil sa nawa wala nitong pera.
"Lumayas ka! Ayaw ko ng makita ang pagmu mukha mo dito sa pamamahay ko"- galit na sigaw ni Rene at itinulak palabas ng bahay si Penelope. "Kapag nakita pa kita ay puputulan na kita ng kamay! Magna nakaw!"- sabi nito at pinag saraduhan ng pinto si Penelope
Si Penelope naman ay umiiyak habang kuma katok sa kanilang pintuan. Ngunit sadyang si Rene ay bingi na sa mga pag daing ng kanyang anak. "Lumayas ka! Huwag ka ng babalik"- taboy nito kay Penelope. Ngunit si Penelope ay nanatiling naka upo sa tapat ng kanilang bahay, hini hintay na umuwi ang kanyang ina upang maka pasok siyang muli sa loob ng kanilang tahanan.
Nag hintay siya ng nag hintay ngunit walang dumadating. Luma lalim na ang gabi, ngunit si Penelope ay naghi hintay pa din. Nasaan na kaya ang kanyang ina? Uuwi pa kaya ito para sa kanya?
Maya maya pa ay may lalaki na lumapit sa kanya. Tumitig ito sa kanya at naalala niya ang mga matang iyon. Ito ang estrangherong lalaki na kumuha sa pera!
Mabilis pa sa alas kwatro na tumayo si Penelope, sinuntok niya sa mukha ang lalake at hindi ito naka ilag dahil hindi niya ito inaasahan mula kay Penelope. Gayun pa man ay hindi naman niya ito ininda bagaman pakiramdam niya ay magkaka pasa pa din sa kanyang mukha.
Naka amba na ulit ang kamao ni Penelope par sa isa pang suntok ngunit umapila na agad ang estranghero. "Sandali binibini!"- awat nito sa dalaga. "Ako'y hindi naparito upang mag dala ng perwisyo sa iyo"
Hindi naman ibinaba ni Penelope ang kanyang kamao, hinintay niya na ang mga susunod na sasabihin ng lalaki.
"Ito"- wika niya at ini labas mula sa kanyang bulsa ang mga papel na kulay asul. Sinunggaban ito ni Penelope at tiningnan, ganito nga kadami ang pera na kinupit ng kanyang kuya.
Iniisip ni Penelope na hindi maiintindihan ng lalaki ang senyas kaya't hindi siya sumubok na kausapin ito. Kaya't laking gulat niya ng itaas ng lalaki ang kanyang kamay at gumawa ng sign language upang itanong kung okay lang ba siya.
Napa luha si Penelope dahil sa ginawa ng lalaki, hindi pa siya naka tagpo ng tao na lubos na mai intinidihan ang kanyang mga pag senyas.
Sabik na sabik si Penelope, sinabi niya sa lalaki na pina layas siya ng kanyang ama dahil pinag bintangan na siya ang kumuha ng pera. Sinabi din niya na hindi pa siya nagha hapunan at hindi pa din umuuwi ang kanyang ina, at kung uuwi ang kanyang ina ay makaka pasok na siya sa loob ng bahay at makakapag hapunan na siya.
"Kawawa ka naman, pasensya ka na. Inisip ko lamang na ako na ang magba balik ng pera para hindi na magamit ng kuya mo sa kanyang bisyo"- paliwanag ng estranghero, "hayaan mo at ako na ang gagawa ng paraan para maka pasok ka ulit sa loob."
Kinuha ng estranghero ang pera at nagulat si Penelope ng kumatok ito sa pintuan ng kanilang bahay. "Tao po!"- sabi ng lalake.