Kaayusan?

1748 Words
Kumatok ang lalaking estranghero sa kanilang pintuan. "Tao po!"- sigaw nito. Walang suma sagot kaya't kumatok ulit ito, at kumatok pa ulit,at isa pa. Paulit ulit hangga't walang nagbu bukas. Kinalabit siya ni Penelope at sinenyasan siya na wag ng kulitin ang mga tao doon, dahil baka sila'y natu tulog na. Dilim na ng palayasin siya ng ama, bandang alas syete. Pasado alas dyes na ng gabi ng napadaan ulit ang estranghero at iniisip ni Penelope ay hindi pa din nakaka uwi ang ina niya mula sa trabaho, at hindi pang karaniwan iyon. "Binibini, hindi nararapat sa isang katulad mo ang manatili sa labas, lalo na at gabing gabi na"- wika ng estranghero. Nag sungit pa si Penelope at sinabing siya naman ang may kasalanan kung bakit siya nasa labas, kung hindi niya itinakbo ang pera eh di sana hindi siya pinagbi bintangan ng kanyang ama. "At kung itinakbo ng kuya mo ang pera aber? Hindi kaya lalo ka ng walang pag asa? Dahil hindi naman nya iyon ibabalik katulad ng ginagawa ko."- sabi ng lalaki sabay taas ng kanyang kilay. Hindi pa din inaalis ng lalaki ang panyo sa kanyang mukha kaya't hindi niya makita ang kabuuan ng mukha ng lalaki. Ngunit siya'y napapa titig sa magaganda nitong mga mata. Kung saan ay naa aninag niya ang liwanag ng buwan sa kalangitan. Kumikislap ang mga ito at tila ba'y nagbi bigay ng liwanag sa kanyang kaluluwa. Ang lalaki naman ay matamang naka titig din si mata ni Penelope, tila ba'y nag uusap sila ng di na kailangan mag salita. Wari'y nagkaka unawaan kahit walang sabihin sa isa't isa. "Sino yan?"- naputol ang pagti titigan ng dalawa ng biglang bumukas ang pintuan. Lumabas doon ang mumukat mukat na si Olivia, tila bumagsak sa lupa ang puso ni Penelope. Nandito na pala ang kanyang ina, malamang ay dumating siya habang siya'y nagku kulong sa kanyang kwarto. Hindi niya alam kung kailan, ngunit ang masakit doon ay hindi man lamang siya hinanap ng kanyang ina. "Penelope?"- gulat na sambit ni Olivia ng makita ang kanyang anak sa labas, dis oras na ng gabi. "Anong gina gawa mo dito sa labas at sino itong kasama mo?"- tanong ni Olivia habang kinu kuskos ang kanyang mga mata at halatang halata na kakagaling nya lamang mula sa mahimbing na pagkaka tulog. Hindi sumagot si Penelope at sa halip ay tinabig niya ang lalaki na naka tingin lamang sa kanya, upang ito ang mag paliwanag. "Ahh! ano po kasi--"- magpa paliwanag na sana ang lalaki ngunit narinig nila na tumawag mula sa itaas si Rene. "Olivia, sino ba ang istorbong iyan?"- wika ni Rene habang buma baba ng hagdanan. Naglakad siya palapit kay Olivia at nakita din niya si Penelope. "Oh Penelope. Ito na ba ang lalaking ipinagma malaki mo sa akin?"- bulalas ni Rene. "Anong sinasabi mo Rene?"- nagta takang tanong ni Olivia sa asawa. "Ang anak mo ay gusto ng umalis dito sa atin at gusto ng mag asawa."- pagsi sinungaling ni Rene. Napa bigla ng lingon si Olivia sa kanyang anak habang nagka tinginan naman ang estranghero at si Penelope. "Totoo ba anak? Bakit naman hindi ko sinabi sa akin? Napaka bata mo pa para dyan"- naga alalang wika ni Olivia. Agad namang napa iling si Penelope bilang pag tanggi. "Sa katunayan nga niyan ay nag nakaw si Penelope ng pera sa aking pitaka para lamang magka sama na sila ng lalaki niya"- dagdag pa ni Rene at nais siraan si Penelope sa harap ng ina nito. "Hindi totoo iyan"- sabat ng lalaki. "Ni hindi ko nga kilala itong binibini. Pag dating ko'y nandito na siya sa harapan ng bahay nyo, at napa daan ako kaninang hapon ay kina kaladkad ng manong na iyan itong binibini"- dagdag pa niya. "Kung ganun ay sino ka?"- pagsi siyasat niya. "Bakit kuma katok ka sa ganitong oras?" "Ako'y naawa sa inyong anak. Nagba bayad siya sa kasalanang hindi naman niya ginawa"- sabi ng estranghero. "Hindi ba't pina layas mo siya dahil sa salang pagna nakaw? kahit wala ka namang nakita at wala kang proweba na siya nga ang gumawa?"- baling niya kay Rene. Sabihin na natin na nagma manman ang lalaki sa bahay na iyon kaya't naki kita niya ang mga pangya yari sa loob at labas nito. Naka maang naman si Rene habang nagsa salita ang binata. "Ito na ang pera"- at inilabas niya mula sa kanyang bulsa ang mga lilibuhin na kanyang kinuha. "Ikaw ang nag nakaw!?"- pambi bintang na naman ni Rene. "Ibinayad iyan sa akin ng iyong anak na si Oliver. Paki sabi sa kanya ay huwag na akong kulitin dahil matagal na akong hindi nagti tinda ng shabu"- wika ng estranghero, hindi naman talaga siya konektado sa droga ngunit sinabi niya iyon upang maidiin si Oliver at hindi si Penelope. "Isa pa ay magpa salamat ka sa binibining ito,kita kong buong lakas niyang pini pigilan ang kanyang kapatid para di nakawin ang pera mo"- huling sabi ng lalaki bago ito tumalikod upang umalis, ngunit hinawakan siya ni Penelope. Nag senyas ito ng pasasalamat. "Wala iyon binibini, tawagan mo lang ako kung may kailangan ka."- bulong ng lalaki sabay kindat ng isang mata. Gustong kiligin ng dalagita ngunit nalu lungkot siya kaya't pinilit na lamang niyang magpa labas ng kakaunting ngiti. Tumalikod naman ang estanghero at naisip ni Penelope na nakalimutan niyang itanong ang pangalan ng lalaki. "Penelope, halika na sa loob at malamig na diyan sa labas"- nahi hiyang wika ng kanyang ama. Natuwa ang kalooban ni Penelope, ibang iba ang tono ng pananalita ng kanyang ama kaysa sa nakasanayan niyang paninigaw nito. "Nag hapunan ka na ba anak?"- naga alalang tanong ni Olivia at umiling naman si Penelope. "Ipagha handa kita ng pagkain"- sabi pa ng ina niya at ipinag sandok siya nito ng kanin. Ang kanyang ama naman ay narinig niyang umakyat pataas ng hagdanan. "Lintik ka! Nag aadik ka pala!?"- sigaw ng ama at narinig niya na may kalampagan sa itaas ng bahay nila. Marahil ay galit na galit ang kanyang ama at nag wala ito sa kwarto ng kanyang kuya Oliver. "At ako pa ang nanakawan mo? Pagka tapos ng lahat ng sakripisyo ko para sa inyo ay ganito ang gagawin mo?" - galit na galit na sigaw nito "Kain ka na anak"- kaswal na sabi ni Olivia, na parang walang nari rinig na kaguluhan sa itaas. Sumubo naman ng kanin si Penelope habang mataman pa ding naki kinig sa mga sina sabi ng ama, at habang siya'y nano nood sa magiging reaksyon ng kanyang ina. Siguro ay nari rinig din nito ang kanyang pag iyak tuwing palihim siyang sina saktan ng mga kapatid at tatay niya ngunit wala din itong imik. Katulad kung paanong wala siyang imik sa gina gawa ng tatay niya sa kanyang kuya Oliver. Hindi natiis ni Penelope na tumayo, mabilis siyang umakyat sa ikalawang palapag at naabutan niya na susuntukin ni Rene si Oliver. Hindi siya nag dalawang isip na iharang ang kanyang sarili at saluhin ang suntok na dapat ay para sa kuya niya. Bumulagta si Penelope sa sahig, napa subsob habang hawak hawak ang parte ng kanyang mukha kung saan tumama ang suntok ng kanyang ama. "Wag kang maki alam dito! Kung hindi ka humarang edi sana'y hindi ka tinamaan"- paninisi at sigaw ni Rene kay Penelope. Pinilit tumayo ni Penelope, kahit medyo umiikot ang paningin ay nagawa pa din niyang harapin ang ama. Tama na. Ini senyas niya sa kanyang ama ay tama na. "Tumabi ka, dapat matuto ng leksyon ang lalaking yan"- bulyaw sa kanya ng kanyang ama. Hindi masabi ni Penelope kung bakit ganun, na mas gusto niya na sya na lang ang binu bugbog ng kanyang ama kaysa makita niya na sina saktan nito ang kanyang mga kapatid. Kahit pa sabihin na nagka mali si Oliver, hindi sang ayon si Penelope na dapat ay grabeng pambu bugbog ang maging kapalit nito. Alam niya kung gaano kasakit kaya't ayaw niya na may iba pang makaranas noon. "Huwag kang umastang super hero ka, estupida!" - nagulat si Penelope dahil sa sigaw na iyon ng kanyang kuya. Lumingon siya kay Oliver at napa higa siya sa sahig dahil sa malakas na pagkaka tulak nito sa kanya. Nalito siya at napatingin ng may pagta tanong sa kanyang kuya Oliver. "Kina kausap pa kita! Huwag mong ibahin ang usapan"-sigaw din ni Rene kay Oliver at muli ay umamba siya ng isa pang suntok patungo kay Oliver. Pumutok ang labi ni Oliver dahil sa lakas noon at napa gulong siya sa sahig. "Ahhhh! "- ungol ng namimilipit na si Oliver. Mabasag na halos ang kanyang mukha dahil sa lakas ng kamao ng kanyang ama. "Tumayo ka riyan! Hindi ba't matapang ka? Malakas ka! Kaya nga pati ako ay tin tarantado mo hindi ba?"-gigil na sigaw ni Rene. Galit na galit ito at kumu kulo ang dugo buhat ng malaman niya na nag aadik ang kanyang panganay na anak. Sa panahon pa namang ito ay mahigpit ang gobyerno sa mga adik, hinu huli nila ang mga sangkot sa droga at pina patay ang mga ito kapag hindi nila itinuro ang drug lord o ang pusher na binibilhan nila. Kung ituro man niya ay ipapa patay pa din siya ng makapangyarihang tao na idadawit niya sa kaso. Galit na galit pa din si Rene, ngunit kasabay nito ang pag aalala sa sasapitin ng anak dahil sa mali nitong gawain. Kahit hindi siya mahuli ng mga pulis ay masisira at masisira pa din ang buhay nito dahil sa ipinagba bawal na gamot. Hinigit ni Rene ang damit ni Oliver upang mapa tayo ito. Si Penelope naman ay nananatiling naka upo dahil sa sakit ng kanyang likod at isa pa ay wala siyang magagawang tulong para sa kanyang kuya. Naisip niya na kahit pa yata mahulog siya mula sa ikalawang palapag ay hindi niya mapi pigilan ang ama sa pambu bugbog sa kanyang kuya. "Hindi kita tinuruan gumamit ng droga! Sinong nag turo sayo na mag ganyan!?"- sigaw ni Rene sa anak, habang mariin siyang hawak sa kanyang damit sa ay bandang leeg. "Sya 'Tay!, sya nag turo sakin nyan!"- umi iyak na wika ni Oliver habang naka turo sa direksyon ni Penelope. Napa atras ng bahagya si Penelope habang naka upo pa din sa sahig.Dahan dahang umiiling, at itinaas ang kamay upang sana ay magpa liwanag ngunit huli na ang lahat para sa kanya. Mabilis pa sa alas kwatro na dumapo sa kanyang mukha ang isang malakas na sampal mula sa kanyang ama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD