Karagdagang Parusa

1968 Words
"Animal ka talaga kahit kailan!"- sigaw ni Rene kay Penelope, naka subsob pa din siya sa sahig dahil sa malakas na pagkaka sampiga sa kanya ni Rene. "Kaya pala kasama mo sa labas yung lalaki, magka kilala din pala kayo!, lagi talaga akong tama sa aking mga hinala tungkol ss iyo!"- dagdag pa ni Rene at hinablot si Penelope sa buhok nito. Nag senyas si Penelope na hindi naman talaga sila magka kilala noong lalaki. At sinubukan din niyang sabihin sa ama na wala talaga siyang kinalaman sa mga bini bintang sa kanya ng kanyang kuya Oliver. Ngunit sadya yatang nabulag na din ang pang unawa ng kanyang ama sa kanyang mga sina sabi, dahil kahit anong gawin niya ay hindi siya nito pina pakinggan sa kanyang mga pag samo at pagpa paliwanag, maski ang kanyang mga pagma makaawa ay hindi nito dini dinig. Porket siya ay pipi, hindi na din siya iniintindi. "Isa ka pang walang utang na loob! Lahat na lamang ng tao dito sa bahay ay pini perwisyo mo. Wala ka na ngang pakinabang ay nagda dagdag ka pa ng problema at pasanin."- sigaw ni Rene habang hawak hawak sa buhok si Penelope at muli itong sinampal ng malakas, na naging dahilan upang mapa subsob siyang muli sa sahig. "Nagma malinis ka pang hayup ka! Ikaw pala ang nagde demunyu sa aking mga anak para gumawa ng masama!" "Rene, tama na!, huwag mong saktan ang anak mo!"- sabi ni Olivia na dali daling pumasok sa kwarto ni Oliver upang daluhan si Penelope. "Bakit mo ba yan laging ipinagta tanggol, kaya yan luma laking walang pakinabang dahil lagi mo tinu turing na sanggol kahit kalaki laki na nyan"- sigaw naman ni Rene sa kanyang asawa. Nagkaka gulo na sila, puro sigaw na lang ang mari rinig sa kanilang tahanan, mabuti na lamang at magkaka layo ang mga bahay sa bukid kaya't wala silang mga naa abalang mga kapit bahay. "Wala namang kasalanan si Penelope, hindi ba't si Oliver ang problema dito? Bakit hindi siya ang kausapin mo!"-pagta tanggol ni Olivia kay Penelope. Naa awa ang ina sa kanyang bunsong anak pero ini isip na niya palagi kung saan ba siya nagka mali sa pagpapa laki kay Penelope, lalo pa ngayon at itinu turo ito ni Oliver at idina dawit sa kina sangkutan nito sa droga. "Ikaw Oliver! kapag hindi mo tinigilan ang pag singhot mo niyang droga ay papa layasin kita dito sa pamamahay ko!"- baling nito kay Oliver. "At ikaw naman, hindi pa tayo tapos"- wika niya kay Penelope at nag lakad na ito palabas ng silid na iyon. "Ayos ka lang ba anak?"- wika ni Olivia at dinaluhan si Oliver na naka salampak sa sahig at naka sandal sa kanyang tukador. Malungkot naman na naka masid sa kanila si Penelope na kasalukuyang naka sandal sa pintuan ng kwarto. Natu tuwa siya dahil ipinag tanggol siya ng kanyang ina, kanina mula sa kanyang ama. Ngunit nai inggit pa din siya dahil ang kuya pa din talaga niya ang pinaka unang priority lagi ng kanyang ina. Samantalang ang paborito naman ng kanyang ama ay si Jessa na kanyang ate. Walang may paborito sa kanya. Maski siya ay nasu suklam na din sa kanyang sarili minsan dahil ini isip niya na bakit ba siya ipinanganak sa ganung sitwasyon. "Dahan dahan"- wika ni Olivia, habang tinu tulungang tumayo si Oliver at inihi higa ito sa kanyang kama. "Penelope, kunin mo nga ang mga gamot, nasa katabi ng kabinet na lagayan ng mga sabon"- utos sa kanya ng kanyang ina. Napa tingin lamang siya at hindi naka sagot agad. Bakit siya ang inu utusan, gayung pareho lamang naman silang nasaktan ng kanyang kuya. "Dali na Penelope!, ano bang hini hintay mo!"- ani Olivia kay Penelope. Agad namang napa tayo si Penelope at bumaba sa kusina upang hanapin ang mga gamot. Nakita niya ang mga kakailanganin ng kanyang ina at dadalahin na sana paitaas ng may marinig siyang sitsit mula sa labas ng kanilang bahay. "Psst!"- sabi ng boses kaya't napa lingon lingon si Penelope sa mga bintana ngunit wala siyang nakitang tao dahil sarado na ang mga ito at imposible na na may maka pasok pa dahil matibay ang kanilang mga bintana at sarado na din naman ang mga pinto. Hindi na niya pinansin ang tinig na kanyang narinig at bagkus ay nagpa tuloy na siya sa paglakad paitaas ng hagdanan. "Psst!"- kini kilabutan na siya dahil wala namang tao sa unang palapag bukod sa kanya. Nagpa lingalinga na naman siya ngunit wala siyang nakitang tao sa paligid. Mabilis siyang tumakbo patungo sa itaas ng hagdanan at huma hangos na pumasok sa kwarto ng kanyang kuya, nandun pa din ang kanyang ina ngunit hindi na niya maramdaman ang inggit dahil natabunan na ito ng pagka takot sa nang yari sa ibaba kani kanina lamang. "Oh, putlang putla ka naman yata"- sa wakas ay pagka pansin ni Olivia sa itsura ng kanyang anak. Okay lang ako. Pag senyas ni Penelope sa kanyang ina, at pinili na niya na lumabas doon sa silid ngunit hindi niya maisip kung tutuloy ba siya sa pag labas o mananatili muna sa silid na iyon upang pakalmahin muna ang sarili at bawasan ang takot na nararamdaman niya. "Anak, kumuha ka nga muna ng tubig sa ibaba"- muling utos ni Olivia kay Penelope. Napa lunok ng laway si Penelope dahil sa labis na kaba. Iniisip niya na wag tumuloy sa pag kuha ng tubig kaya nga lamang ay ang kanyang inay ang nag utos, gagawin niya ang lahat para sa kanyang inay. Kaya't maka lipas ang kaunting panahon ng pag iisip ay nag buntong hininga siya at lumakad na patungo sa hagdan. Napa talon siya sa gulat ng biglang may pumatak na kawali sa kusina nang nasa paanan na siya ng hagdanan, maski ang kanyang dibdib ay mababasag na yata dahil sa malakas na pag kabog ng kanyang dibdib. Tila siya'y na astang pusa, marahan at ma ingat siyang nag lakad patungo sa kusina, ini iwasan na maka gawa ng tunog dahil baka may magna nakaw na naka pasok at patayinn siya nito kapag sila ay nag pangita sa kusina. Sumilip si Penelope sa kusina, mula sa bungad ng pintuan papasok ngunit wala siyang nakitang tao doon. Tumanaw pa siyang muli sa mga bintana sa may sala at sa kusina ngunit wala pa din siyang nakitang senyales na may naka pasok na tao doon. Wala na siyang ibang maisip na dahilan para mang yari iyon, kaya't mas kinilabutan na siya ng maisip na baka may nagmu multo na talaga sa bahay nila. Dali dali siyang dumampot ng baso at pinuno ito ng tubig. Hindi na niya pinansin pa ang mga sumunod pang pag sitsit at mga kaluskos na kanyang nari rinig, pakiramdam niya ay mapapa ihi na siya sa kanyang salawal dahil sa labis na kaba. Habang nilalagyan niya ang baso ay may nangbato ng isang maliit na laruan at tumama ito sa kanyang likuran kaya't siya ay nagulat at biglang napa lingon, nabitawan din niya ang baso kaya't nag patak ito sa sahig at nabasag. Gumawa iyon ng napaka lakas na ingay na mas lalong nagpa kabog sa puso ni Penelope. Yumuko si Penelope upang damputin ang mga piraso ng bubog na baso, ngunit dahil siya ay nanginginig ay nataga siya nito at dumugo ang kanyang daliri. Pinisil niya iyon at hinipan upang maibsan ang hapdi, at habang gina gawa niya iyon ay natanaw niya ang isang pares ng paa na nasa likod lamang ng lamesa. Madungis ang mga paa at parang nanggaling pa sa palayan. Nag lakas loob siya, tumayo at nag lakad patungo sa lamesa upang tingnan ang tao na nasa likod niyon. Habang nagla lakad palapit ay iniisip niya kung tama ba ang kanyang desisyon na lumapit pa doon, at nag sisi na lamang siya ng makita na niya ang naka puting babae na naka upo doon sa sahig, naka harang ang mahaba at magulo nitong buhok sa kanyang mukha kaya't di nakita ni Penelope ang itsura nito. Papalirit pa sana si Penelope ngunit walang boses na lumabas sa kanyang labi, gayun pa man ay tumakbo siya palabas ng kusina ngunit ramdam niya na sinu sundan siya ng babaeng naka puti. Paakyat na sana siya sa hagdanan ng hawakan ng babae ang kanyang paa, dahilan para matalapid siya at mapa subsob sa baitang ng hagdan ang kanyang mukha, hinawakan niya ang may parteng nguso niya at maya maya pa ay naramdaman na niya na may umaagos na dugo mula rito. Hawak pa din ng babaeng naka puti ang kanyang dalawang paa, kaya't hindi din niya magawang lumingon dito. Hinigt pa siya ng babae sa paa at kinaladkad pa pababa sa tatlong baitang na hagdan. Napaka sakit noon. Daing ni Penelope sa kanyang sarili. "Jessa! Ano ba yang gina gawa mo!?"- sigaw ni Olivia at bigla siyang binitawan siya ng babaeng naka puti. Nagulat si Penelope, napa balikwas siya ng bangon habang naka hawak pa din sa kanyang labi. Ramdam niya na natanggal ang isang ngipin niya sa unahan, habang patuloy pa din na nati tikman pa din niya ang lasang kaawang na dugo na umagos mula dito. Nagta taka siya kung saan ba galing ang kanyang ate dahil tila hindi niya ito nakita simula ng itulak siya nito sa hagdan noong umaga, ini isip niya kung kailan ba ito naka uwi. "HAHAHAHA!"- kita niya na pulang pula na ang mukha ni Jessa dahil sa lakas ng tawa nito. Ligayang ligaya ito dahil sa ginawa nito sa kanya. "Kung nakita mo lang sana ang mukha mo kanina! Nakaka tawa ka!"- pang aasar pa ni Jessa kay Penelope. Tumingala pa si Penelope sa taas ng hagdan ngunit wala na pala doon ang kanyang ina. Yumuko na lamang siya at pina bayaan ang kanyang ate. Patungo na siya sa kusina upag linisin ang nabasag na baso ngunit hindi siya pina lampas ni Jessa. "Anong pangalan nung gwapong estranghero?"- tanong niya kay Penelope. Napa isip naman si Penelope, paanong nasabi ni Jessa na may gwapong estranghero doon, nakita ba niya kanina ang lalaki? Nag senyas si Penelope gamit ang duguan niyang kamay, itina tanong kay Jessa kung sino ba ang sina sabi niyang lalaki. At sumagot naman si Jessa ng naka ngiti. "Ayong naka suot ng panyo sa mukha, yung lalaking may magagandang mga mata"- aniya habang naka tingala at uma astang nananaginip habang gising. SInensyas na lamang ni Penelope na hindi niya alam ang pangalan at pasa kusina na sana siya ngunit humarang muli si Jessa. "Anong hindi mo alam!?"- sigaw ni Jessa sa kanya kaya't siya ay bahagyang napa atras. Nagu gulat na lamang siya dahil sa bilis ng pagba bago ng awra ng kanyang kapatid. "Hindi pwedeng hindi mo alam!, ang gusto ko'y alamin mo!"- sigaw na naman ni Jessa at hinablot ang buhok ni Penelope. "Nai intindihan mo ba ako ha!?" - gigil pa niya kay Penelope, mahina ngunit madiin upang di siya marinig ng kanilang ina. Marahan namang tumango si Penelope, kahit hindi niya alam kung paano ay saka na lamang niya iisipan ng paraan, ang mahalaga'y tantanan na siya ng kanyang ate ngayong gabi. At binitawan na nga ni Jessa si Penelope, itinali na din niya ang kanyang mahabang buhok na naka takip sa kanyang mukha at nag lakad na ito pasa itaas ng hagdan. Naiwan naman siya sa baba upang linisin pa ang nabasag na aso at ang mga patak ng dugo sa hagdanan dahil sa kanyang natanggal na ngipin at pumutok na labi. Bago siya mag simula sa pagli linis ay nag mumog muna siya at nag hilamos ng mukha. Nang matapos siya sa pagli linis ng mga kalat ay bandang alas dose na ng madaling araw. Pinatay na niya ang mga ilaw sa unang palapag ng bahay at tumakbo na siya patungo sa kanyang silid sa itaas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD