Pag pasok ni Penelope sa kanyang silid ay nagulat siya dahil sa tao na naka upo sa kanyang bintana. Nakita niya ang estrangheronng lalaki na may panyo sa kalahati ng mukha. Naga galit na sa lalaki si Penelope, dahil sa lalaki ay nadamay sya sa usapin tungkol sa droga.
'Anong gina gawa mo dito?'. Pagsenyas sa kanya ni Penelope. Habang dahan dahan na luma lapit siya sa lalaki. Gigil na gigil si Penelope habang nagse senyas sa lalaki ng 'Bakit mo ba ako ipina pahamak?'
"Nais ko lamang dalawin ka binibini"- wika ng ginoo, at pagka tapos ay naaninag ni Penelope ang ngiti sa mga mata nito maski hindi niya makita ang mga labi nitong naka ngiti. "at isa pa ay hindi ko naman alam na ida damay ka ng kuya mo, gusto lang kitang tulungan"- pagpa paliwanag pa ng lalaki.
'Masaya ka na ba na nadamay ako sa usapin ninyo sa droga?'. Mataray na wika ni Penelope sa lalaki. Malapit na malapit na siya noon sa lalaki at naka handa na siyag suntukin ito sa mukha para malaglag na ito sa bintana.
"Paki usap, huwag kang magalit sa akin binibini, wala akong masamang intensyon sa iyo, nagka taon lamang talaga na napa daan ako kaya't nag magandang loob lamang ako at tinulungan kita"- pagpa paliwanag ng lalaki at pumasok ito sa silid ni Penelope. Ang bintana pa naman ng kanyang kwarto ay sira ang panara kaya't hindi niya ito naika kandado ng maayos tuwing gabi.
'Idedemanda kita sa salang pamamasok ng bahay!'- banta ni Penelope sa estranghero. 'Huwag kang lalapit at hindi tayo magka kilala'- pagta taray pa niya sa lalaki.
"Kaya nga ako ay nandito ehh gusto kong magka kilala tayo"- wika ng lalaki at inalis ang panyo na naka balot sa kalahati ng kanyang mukha. Nakita ni Penelope ang matangos na ilong ng lalaki at ang mapula pula ang tila hugis puso nitong labi. Pakiramdam ni Penelope ay namula ang kanyang pisngi dahil sa pag hanga ng makita niya ang kabuuan ng mukha ng lalaki.
'Sino ka?'- tanong sa kanya ni Penelope at nag iwas siya ng tingin dahil pakiramdam niya ay matutunaw siya sa mga titig ng lalaki sa kanyang mata.
"Ang pangalan ko'y di ko pwedeng sabihin binibini, baka maski sa pagtulog mo ay hindi ma alis sa isip mo ang pangalan ko kaa't mabuti pa'y wag mo ng alamin"- wika ng lalaki sabay ngiti at kindat ng kanyang isang mata. Sa totoo lang ay bino bola lang ng lalaki si Penelope tungkol sa kanyang pangalan, dahil pag nakilala siya nito ay baka may iba pang maka alam ng kanyang pangalan at matunton siya ng kapatid o tatay ni Penelope, mahihirapan na siyang mag masid at mag manman sa kanilang tahanan kapag nagka taon.
'Huwag mo akong utuin! Sabihin mo ang pangalan mo!'- mataray na pagse senyas pa ni Penelope. 'Kung hindi ay itutulak kita sa bintana para maka alis ka na dito sa aking silid'- pagba banta pa niya.
"Paumanhin, pero hindi ko talaga maaaring sabihin, ngunit pwede pa din ba tayong maging mag kaibigan kahit hindi natin alam ang pangalan ng isa't isa?"- wika pa ng lalaki.
Nag isip ng mabuti si Penelope, gusto niyang magkaroon ng kaibigan ngunit hindi niya ina asahan na sa ganito pang pagkaka taon, isang kaibigan na hindi alam ang pangalan? Kaibigan na diretsong puma pasok sa kanyang silid habang sa bintana puma pasok? Kaibigan na di duma daan sa pinto? Normal ba ito?
'Diretsuhin mo ako kung anong kailangan mo sa akin'- seryosong senyas ni Penelope sa lalaki. 'Anong kailangan mo at bakit ka nakikipag kaibigan sa akin'- dagdag pa niya.
"Maniwala ka binibini, wala akong ibang intensyon kundi makipag kaibigan, yun lang"- sagot naman ng lalaki habang seryoso din ito na naka titig sa mga mata ni Penelope at dun niya naramdaman na sinsero ang lalaki sa sina sabi nito sa kanya. "Ano, kaibigan mo na ba ako?"- pangu ngulit pa saa kanya ng lalaki.
Nag isip pang muli si Penelope at maya maya ayy daha dahan itong tumango. Ano ba yan? Napaka wirdo naman ng trip ng lalaking ito. Sabi pa ni Penelope sa kanyang sarili. Tuwang tuwa naman ang estranghero, kita nni Penelope ang ngiti niya na uma abot sa kanyang mga mata, kumi kislap ito at maki kita mo talagang masayang masaya ang lalaki dahil sa kanyang tugon.
"Paano ba yan kaibigan?, kailangan mo na din mag pahinga. Pati ako ay uuwi na din upang makapag pahinga na."- paalam ng lalaki at magla lakad na siya patungo sa bintana ng muling mag senyas si Penelope.
'Saan ka naka tira?'- tanong niya sa lalaki.
"Dyan lang ako sa malapit, kapag naisang araw ay isasama kita sa aking tahanan"- sagot ng lalaki at muli siyang ngumiti kay Penelope.
Nakaka tunaw ang kanyang ngiti- wika ni Penelope sa kanyang sarili. Bumitin sa bintana ang lalaki at tumalon ito sa sanga ng puno sa tapat ng kanyang bintana, at doon siya bumaba. Naka silip naman si Penelope sa gina gawa ng lalaki at ng maka baba na sa puno ang estranghero ay muli siyang tumanaw kay Penelope at nag senyas siya ng pamamalam sa dalaga.
Napa ngiti naman si Penelope ng hindi na niya matanaw ang lalaki. Tumalon siya sa kanyang kama at hinablot si Sabrina na kanyang teddy bear. 'Ang pogi nya!' Isip isip ni Penelope na kunyari ay nagku kwento ito kay Sabrina. 'Ngunit hindi ko alam ang kanyang pangalan, anong itatawag ko sa kany atuwing iku kwento ko sya sa iyo Sabrina?'- wika pa niya sa kanyang sarili.
'Lagi niya akong tina tawag na binibini dahil hindi nya alam ang aking pangalan. Tatawagin ko na lamang siya na Ginoo'- naka ngiting wika pa ni Penelope sa kanyang sarili, at tila ba ay napa tili siya dahil naalala niya ang tsura ng ginoo na nakikipag kaibigan sa kanya.
Ngunit bigla siyang napa isip. Imposible na walang kailangan sa kanya ang lalaki, isip isip niya. Natu tuwa siya dahil mayroong nakipag kaibigan sa kanya ngunit di niya maiwasang mag taka at ma wirduhan sa inaasta ng etranghero. Sa kaka isip niya ay di niya namalayan na naka tulog na pala siya.
Kinabukasan, nagising si Penelope ng maagang maaga, nari rinig niya ang tilaok ng mga manok ngunit madilim pa sa labas ng sumilip siya sa bintana. Nau uhaw siya kaya't naisip niyang bumaba muna sa kusina at mag timpla na din ng kape, tutal ay hindi naman niya nararamdaman na dadalawin pa siyang muli ng antok.
Bago makarating sa hagdanan ay mada daanan nya muna ang kwarto ng kanyang kuya, pero bago siya lumabas ng kwarto ay naisipan nya muna na na sumilip sa orasan na naka sabit sa ibabaw ng pintuan ng kanyang kwarto. 'Sobrang aga pa pala'- sabi niya sa kanyang sarili ng makita na alas tres pa lang ng madaling araw.
Natakot siya dahil sabi ng matatanda ay may mga aswang daw sa mga ganoong oras, at naalala din niya ang ginawang pananakot sa kanya ng kanyang ate noong isang gabi. Bagama't kina kabahan ay nagpa tuloy pa din siya sa pagla lakad patungo sa hagdanan, madilim ang pasilyo ngunit may maliit na ilaw sa may hagdanan kaya't naki kita pa din naman niya kahit papaano ang kanyang nilalakaran.
Ng mapa tapat siya sa pintuan ng kanyang kuya ay naka rinig siya ng tila mga kaluskos mula sa loob ng kwarto. Naisip pa niya na ang aga naman magising ng kanyang kuya, at isa pa ay bukas din ang ilaw sa kwarto nito kaya napa isip si Penelope kung anong gina gawa ng kanyang kuya sa ganoong oras.
Dahan dahan niyang ini lapit ang kanyang tenga at idinikit ito sa pintuan, "Ughh ahhh"- nari rinig niya na may mga ungol na nangga galing sa loob, di niya mawari kung may ini inda bang sakit ang kanyang kuya dahil rinig din niya na medyo kina kapos ito ng pag hinga. Hindi niya maiwasang mag alala, kahit anong ginawa sa kanyang pananakit ng kanyang kuya Olive ay gusto pa din niya itong mapa buti at tutulong siya dito kapag ito ay nangangailangan. Siguro nga ay tanga siya para tulungan ang taong nananakit sa kanya, pero lagi niyanng sina sabi sa sarili niya na mahal niya ang kanyang pamilya, at ang kanyang pagma mahal ay walang kondisyon.
Naisip niya na silipin muna ang nangya yari sa kanyang kuya at ng makita nya kung anong tulong ba ang kanyang maga gawa. Dahan dahan niyang pinihit ang hawakan ng pintuan at tahimik na binuksan ito ng bahagya hanggang sa maka silip na sa loob ang kanyang isang mata.
Nakita nya si Oliver na naka upo sa kama nito, naka tingin sa isang magasin at naka baba ang salawal. Maya maya pa ay gumalaw ang kaliwang kamay ni Oliver at humawak sa maselang parte ng kanyag katawan at muli ay narinig ni Penelope ang pag ungol nito, akala niya kanina ay may masakit sa kuya niya kaya duma daing ito. Nilalaro pala ang kanyang pagka lalaki habang naka tingin sa magasin na may mga hubad na larawan. Nataranta si Penelope ng makita niya ang gina gawa ng kanyang kuya, malakas niyang nai sara ang pintuan kaya't nagulat din si Oliver.
"Sino yan!?"- sigaw niya at dali daling itinaas ang kanyang salawal. Nataranta naman lalo si Penelope dahil nari rinig na niya ang mga yabag ng kanyang kuya na papalapit sa pintuan.
Dali daling tumakbo si Penelope patungo sa may hagdanan at tumago siya sa doon sa isang sulok. Malakas ang t***k ng kanyang puso dahil kapag nakta siya ng kanyang kuya ay iisipin nito na bastos siya at naninilip. Narinig niyang nag bukas ang pinto at naglakad lakad pa ng kaunti ang kanyang kuya.
"Wala naman tao"- rinig niya na mahinang sabi ni Oliver at bumalik na lamang ito sa kanyang kwarto at isinara ang pinto.
Napa buntong hininga si Penelope. Muntik na siya doon, isip isip niya.