Hindi pa tapos

363 Words
"Paki usap, bitawan mo na ako, mabuhay ka para sa akin, mabuhay ka para sa ating dalawa"- umi iyak na wika ng babae. "Wala ng saysay ang buhay ko kung di kita kasama, wala ng halaga ang pag hinga kung wala ka tuwing didilat ako sa umaga"- umiiyak na din ang lalaki. Habang buong lakas na kuma kapit upang huwag mahulog sa malalim na balon ang kanyang kasintahan. "Tandaan mo na mahal kita. Araw araw kong dalangin na kapag namatay ako ay maka hanap ka ng maga alaga sayo na kayang higitan ang pag kalinga ko sa iyo"- sabi ng babae na syang lalong nagpa iyak sa binata. "Wag mong sabihin yan, hindi ka mawawala sa akin. Kumapit ka lang, lalabas tayo dito ng magkasama"-saad ng lalaki. Ngunit pagod na ang babae at hindi na niya kayang kumapit pa. Dumulas ang kanyang kamay at nahulog sa malalim na balon, sumigaw ng sumigaw ang lalaki dahil sa hapis na kanyang nararamdaman. Tila nabaliw siya at pag daka'y tumalon sa balon at sumunod sa kanyang kasintahan. At doon nag tapos ang malungkot nilang kwento. Isinarado ko ang libro na aking binabasa. Akala ko pa naman ay magkakaroon sila ng masayang kwento. Hibang na sa pag ibig ang mga tao, pati naman kamatayan ay hahamunin sa ngalan ng pagma mahal. Napa tulala ako sa kisame, at maraming bagay ang tuma takbo sa aking isip. Mahahanap ko kaya ang "the one" ko bago ako mamatay? Magkakaroon din kaya kami ng tragic na love story o payapang pamumuhay kasama ng aming mga anak? Hays. Kaka basa ko ng pocket books kaya ganito na ang mga nai isip ko. Kabata bata pa ay puro kalandian na ang nai isip. Napa tingin ako sa alarm clock na nasa gilid ng aking kama. Gaano kahabang oras kaya ang ipinagka loob sa akin? Sapat kaya yun para magawa ko lahat ng gusto ko sa buhay? O kailangan ko pang gugulin ang sunod na habang buhay ko para matupad ko ang mga goal ko sa buhay? Pero parang wala naman akong magandang plano at hindi ko nga alam kung ano bang gusto kong gawin sa buhay ko. Hayst. Wala yata akong gustong marating.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD