"Kaya nga ako ay nandito ehh gusto kong magka kilala tayo"- wika ng lalaki at inalis ang panyo na naka balot sa kalahati ng kanyang mukha. Nakita ni Penelope ang matangos na ilong ng lalaki at ang mapula pula ang tila hugis puso nitong labi. Pakiramdam ni Penelope ay namula ang kanyang pisngi dahil sa pag hanga ng makita niya ang kabuuan ng mukha ng lalaki.
'Sino ka?'- tanong sa kanya ni Penelope at nag iwas siya ng tingin dahil pakiramdam niya ay matutunaw siya sa mga titig ng lalaki sa kanyang mata.
"Ang pangalan ko'y di ko pwedeng sabihin binibini, baka maski sa pagtulog mo ay hindi ma alis sa isip mo ang pangalan ko kaa't mabuti pa'y wag mo ng alamin"- wika ng lalaki sabay ngiti at kindat ng kanyang isang mata. Sa totoo lang ay bino bola lang ng lalaki si Penelope tungkol sa kanyang pangalan, dahil pag nakilala siya nito ay baka may iba pang maka alam ng kanyang pangalan at matunton siya ng kapatid o tatay ni Penelope, mahihirapan na siyang mag masid at mag manman sa kanilang tahanan kapag nagka taon.
'Huwag mo akong utuin! Sabihin mo ang pangalan mo!'- mataray na pagse senyas pa ni Penelope. 'Kung hindi ay itutulak kita sa bintana para maka alis ka na dito sa aking silid'- pagba banta pa niya.
"Paumanhin, pero hindi ko talaga maaaring sabihin, ngunit pwede pa din ba tayong maging mag kaibigan kahit hindi natin alam ang pangalan ng isa't isa?"- wika pa ng lalaki.
Nag isip ng mabuti si Penelope, gusto niyang magkaroon ng kaibigan ngunit hindi niya ina asahan na sa ganito pang pagkaka taon, isang kaibigan na hindi alam ang pangalan? Kaibigan na diretsong puma pasok sa kanyang silid habang sa bintana puma pasok? Kaibigan na di duma daan sa pinto? Normal ba ito?
'Diretsuhin mo ako kung anong kailangan mo sa akin'- seryosong senyas ni Penelope sa lalaki. 'Anong kailangan mo at bakit ka nakikipag kaibigan sa akin'- dagdag pa niya.
"Maniwala ka binibini, wala akong ibang intensyon kundi makipag kaibigan, yun lang"- sagot naman ng lalaki habang seryoso din ito na naka titig sa mga mata ni Penelope at dun niya naramdaman na sinsero ang lalaki sa sina sabi nito sa kanya. "Ano, kaibigan mo na ba ako?"- pangu ngulit pa saa kanya ng lalaki.
Nag isip pang muli si Penelope at maya maya ayy daha dahan itong tumango. Ano ba yan? Napaka wirdo naman ng trip ng lalaking ito. Sabi pa ni Penelope sa kanyang sarili. Tuwang tuwa naman ang estranghero, kita nni Penelope ang ngiti niya na uma abot sa kanyang mga mata, kumi kislap ito at maki kita mo talagang masayang masaya ang lalaki dahil sa kanyang tugon.
"Paano ba yan kaibigan?, kailangan mo na din mag pahinga. Pati ako ay uuwi na din upang makapag pahinga na."- paalam ng lalaki at magla lakad na siya patungo sa bintana ng muling mag senyas si Penelope.
'Saan ka naka tira?'- tanong niya sa lalaki.