Halik?

1582 Words
''Anong mukha yan binibini!?''- nagulat si Penelope ng biglang sumulpot ang ginoo sa kanyang bintana habang siya ay nagli linis ng kanyang silid. 'Hindi mo ba alam kung ano ang personal na espasyo? Ito ang espasyo na para sa akin lang, bakit pasok ka ng pasok ng hindi ka nagpa paalam sa may ari?''- gigil na gigil na senyas ni Penelope sa ginoo. Ayun na yata ang pinaka mahabang pagse senyas na ginawa niya ng dire diretso. Naiisip kasi ni Penelope na maiintindihan siya ng lalaki dahil mukha naman itong magaling sa pag unawa ng kanyang lenggwahe. ''Mag hunos dili ka binibini, baka tumaas ang presyon mo nyan at atakihin ka sa puso''- pang aasar pa ng lalaki kay Penelope sabay tawa ng malakas. Tumigil naman agad siya ng mapansin niya na hindi natawa si Penelope sa kanyang sinabi. 'Kapag narinig ka ng tatay ay mali lintikan na nama ako!'- nai inis na sabi ni Penelope. ''Bakit? Bisita mo naman ako! Bawal bang papasukin ang bisita sa kwarto mo?''- nagma malaki pang sabi ng lalaki. 'Nagpa patawa ka ba? Bisita? Sa bintana puma pasok at luma labas? Ayos ka lang?'- sarkastikong senyas ni Penelope sa ginoo. Napa tawa naman ng bahagya ang lalaki dahil sa katarayang ipina pakita sa kanya ni Penelope, mabuti na lang talaga at nakapag aral siya ng sign language dahil nagagamit niya yun ngayon upang maintindihan si Penelope. ''O sige na binibini, paumanhin sa pag pasok ko lagi sa iyong silid, at huwag kang mag alala dahil wala namang tao dito sa bahay mo, ikaw lang at ako''- tila makahulugang sambit ng lalaki. Parang bigla siyang sinapian ng masamang espiritu dahil sa kalokohan na kanyang naisip. Balak niyang pag tripan si Penelope at takutin ito. ''Ikaw lang at ako, binibini. Wala ng iba''- muling wika ng lalaki, habang malalim na naka titig sa mata ni Penelope at habang dahan dahan siyang nagla lakad palapit sa dalaga. Ipinapa kita niya na meron siyang masamang balak dito, gusto nyang makita ang magiging reaksyon nito sa kanyang gagawing kalokohan. 'Wag kang lalapit!'- senyas sa kanya ni Penelope. Kina kabahan man si Penelope sa biglang pag iiba ng tono ng boses ng lalaki, ay nag isip pa din agad siya ng paraan upang maka layo sa lalaki kung sakali mang sinapian ito ng kung sino mang demonyo. ''Ayaw mo ba sa akin binibini?''- mahinang sabi ng lalaki, pabulong at tila ba ay mapang akit ang kanyang pagkaka bigkas ng kanyang mga salita. Matiim pa din siyang naka titig sa mata ni Penelope, na syang dahilan para mapa atras si Penelope at kabahan ito ng inam. 'Isang hakbang pa at maki kita mo ang hina hanap mo'- pagba banta ni Penelope. Ngumisi naman sa kanya ang lalaki at sinabing ''Hindi na kailangan binibini dahil sa wakas ay nakita na kita, Ikaw ang hina hanap ko'' Humakbang pa palapit ang lalaki at si Penelope at nata taranta na, hindi niya maisip kung tatakbo ba siya o sasaktan niya ang lalaki. Pero ng sobrang malapit na sa kanya ang ginoo ay mabilis niyang sinuntok ang mukha nito. Hindi niya iyon inaasahan kaya't sapol na sapol siya sa kanyang mukha. ''Aray naman binibini! Bakit kailangan mong manakit? Nagbi biro lang naman ako''- daing ng lalaki habang pini pisil ang kanyang ilong at pini pigilan na umagos ang dugo mula doon. 'Dapat lang sayo yan! Ulitin mo ulit para suntukin ulit kita''- galit na senyas pa ni Penelope at ikinuyom muli ang kanyang kamao at naka handa na para suntukin ulit ang lalaki ngunit pinigilan na siya nito ''Tama na! tama na! Ayaw ko na''- awat sa kanya ng lalaki at napa pikit saglit ang lalaki dahil sa kirot ng kanyang ilong. 'Ano ba talagang pakay mo?'- senyas niya sa ginoo, na kasalukuyang papikit pikit ang mata at naka hawak sa kanyang ilong na bahagyang dumugo dahil sa lakas ng kanyang pagkaka suntok. ''Gusto lang naman kita bisitahin, mag kaibigan na tayo hindi ba?''- sagot naman ng lalaki. Wala namang naisagot doon si Penelope kaya't nanahimik na lamang siya. Maigi niyang tini tingnan ang lalaki habang siya'y buma balik sa pagli linis ng kanyang silid. Napapa isip na naman si Penelope kung ano ang gustong makuha sa kanya ng lalaki, tila nawi wirduhan siya sa ikini kilos nito, parang may pagka misteryoso, parang may kakaiba talaga sa ginoo na ito na hindi niya mai paliwanag. Naawa naman si Penelope sa lalaki dahil sa dum dugo nitong ilong kaya't pumasok siya sa kanyang banyo at kinuha mula doon ang bulak na kanyang gina gamit lagi sa kanyang mga galos, tuwing sina saktan siya ng kanyang ama at mga kapatid. ''Aba, lagi ka palang handa binibini, o sadyang itinabi mo iyan diyan dahil may plano ka talaga na paduguin ang mukha ko?''- mapang asar pa din na wika ng lalaki. Napa tawa na naman siya ng bahagya ngunit wala namang naging emosyon si Penelope kaya't tumigil na din siya sa pangungulit sa dalaga. 'Napaka ingay mo naman!'- senyas sa kanya ni Penelope. 'Umalis ka na'- utos sa kanya ni Penelope. ''Hala kaka rating kolang ehh, paaalisin mo na ako kaagad?''- pagpo protesta ng lalaki. Tumingin lang sa kanya si Penelope at inirapan siya nito, sabay talikod na at bumalik a siya sa pagpu punas ng sahig ng kanyang kwarto. ''Binibini, pansinin mo naman ako! Huwag mo pati akong itaboy, gusto ko lang naman na maging kaibigan ka eh''- parang bata na na sabi ng lalaki kay Penelope. 'Alis'- itinaas ni Penelope ang kanyang isang kamay at ini senyas ito na parang itinu tulak palayo ang ginoo. ''Ayaw ko nga! Aalis ako kung kelan ko gusto.''- sagot naman ng lalaki at umasta na parang bata na nagta tampo sa kalaro. Napa pikit ang lalaki ng may basahan na biglang tumama sa kanyang mukha. ''Pwe!''- pinagpagan niya ang kanyang mukha gamit ang kanyang kamay, ''Mabuti na lang atdi ako naka nganga. Hayst!''- sabi niya at nilimot ang basahan na nag patak na sa sahig at tumingin siya kay Penelope. Sinenyasan naman siya nito na 'Mag linis ka na lang kaysa magda dakdak ka jan', sa mataray na paraan. ''Masu sunod po, kamahalan''- tugon ng lalaki habang may pilit na ngiti sa labi, at may halong pang uuyam. ''Psh!''- pahabol pa niyang ekspresyon bago lumakad patungo sa bintana at pinunasan ito. Nag linis lang sila ng nag linis, wala di naman tao sa bahay dahil nasa sabungan ang kanyang tatay, ang kuya naman niya ay nasa mga kaibigan nito at hindi naman niya alam kung nasaan ang kanyang ate. Sobrang gaan ng pakiramdam ni Penelope habang siya ay nagli linis, dahil bukod sa may katulong siya at wala doon ang kanyang pamilya para pahirapin ang kanyang trabaho. ''Hays sobrang init''- reklamo ng ginoo, habang pina paypay ang kanyang sarili gamit ang dyaryo na napulot niya sa kusina. Kitang kita naman talaga na pawis na pawis na ang binata at basa na din ang kanyang damit. Si Penelope naman ay patuloy lang sa pag aalis ng agiw sa labas ng kwarto ng kanyang kuya. Dire diretsong pumasok ang ginoo sa kwarto ni Oliver, habang ina alis ang panyo na naka balot sa kalahati ng kanyang mukha na lagi niyang suot, at naupo doon sa kama ni Oliver. Pina bayaan naman siya ni Penelope at hindi man laman niya ito tinapunan ng tingin. Pinag pahinga nya na din ang lalaki dahil kita naman niya na madami na itong nai tulong sa kanya. Sa katunayan nga ay medyo nahi hiya na siya sa ginoo dahil pursigido talaga itong mag linis, hindi man ganun ka pulido ang kanyang pagpu punas ay ayos lamang kay Penelope, dahil napaka laking bagay na naki kita niya na mayroon siyang kasama. ''iidlip muna ako binibini, gisingin mo ako kapag kailangan ko ng umalis ha.''- bilin ng lalaki sabay hilata sa kama ni Oliver at pumikit. Maya maya pa, nadinig na ni Penelope ang mahinang paghi hilik ng lalaki kaya't naisip niya na tulog na ito. Sinilip niya ito mula sa siwang sa pinto at napansin niya na wala na ang tabing sa mukha ng lalaki, wala na ang panyo nalgi nitong suot kaya't naisip niya na pagkaka taon na iyon para masilayan naman niya ang kabuuan ng mukha ng ginoong estranghero. Dahan dahan siyang lumakad, nag iingat na baka magising ang lalaki. Lumapit siya sa kama at tumayo sa gilid ng natu tulog na ginoo at medyo yumuko upang mas makita pa ang kabuuan ng itsura nito. Hindi naman ito kagwapuhan, may morenong balat at may pagka pango din ang ilong, pero bumagay iyon sa kabuuan ng kanyang mukha. May pagka makapal ang labi nito, at kita din niya ang mapu puti nitong mga ngipin dahil bahagyang naka buka ang bunganga nito habang naghi hilik sa kanyang pag tulog. Bahagya pang ini lapit ni Penelope ang kanyang mukha sa lalaki dahil may napansin siya na parang sugat sa may pisngi ng lalaki. Titig na titig siya doon sa sugat at di niya namalayan na sobrang magka lapit na pala ang distansya ng kanilang mga mukha. ''Tunaw --'' nagulat si Penelope ng biglang mag salita ang ginoo na akala niya ay natu tulog, kaya't nawalan siya ng balanse at napa subsob siya. Ang kanyang labi ay pumatak sa lab ng ginoo kaya't napa tahimik ito sa kanyang balak sabihin. Agad na tumayo si Penelope, namumula ang pisngi at hiyang hiya ito sa nang yari. Samantalang ang ginoo naman at hindi na naka kibo dahil sa sobang pagka bigla sa mga nanyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD