''Papatayin mo na ba talaga yan?'' - nabitawan ni Jessa si Penelope, nagulat siya ng makita niya sa pintuan ng banyo ang kanyang kuya Oliver. Si Penelope naman ay napa salampak sa sahig habang umuubo at hina habol ang kanyang pag hinga.
''Wala naman akong paki alam sa Pipi na yan, ang sakin lang, anong sasabihin mo kina inay kapag napatay mo nga iyan, at isa pa anong sasabihin mo sa mga pulis kapag inimbestigahan ka nila?''-sabi pa ni Oliver. Na maba bakas sa boses niya ang kayang pag aalala kay Jessa, at wala nga talaga itong paki alam kung mamatay siya doon.
Kumirot na naman ang puso ni Penelope. Talaga bang ganoon siya kinamumuhian ng kanyang mga kapatid, na uma abot na talaga sa punto na gusto nila na mawala na sya sa mundo. Ini isip ni Penelope kung ano ang mali sa kanya, kung ano bang pwede niyang gawin para matanggap din siya bilang parte ng kanilang pamilya, o ituring man lang siya bilang isang tao na may pakiramdam at may karapatan.
Hindi naman sumagot pa si Jessa sa sinabi ng kanyang kuya at sa halip ay tumayo na ito at lumabas ng banyo. Narinig ni Penelope na may umakyat sa hagdan at may isa na umupo sa silya sa may lamesa. Mag aalas kwatro na noon ng madaling araw, at ini isip ni Penelope na napaka aga pa pero masakit na agad ang kanyang katawan.
''Pipi, ipag timpla mo ako ng kape''- rinig niyang wika ng kanyang kuya.
Pagewang gewang man ay nag pilit siyang tumayo. Patulo tulo pa ang tubig mula sa kanyang buhok kaya't piniga niya ito at ipinuyod upang di maka sagabal sa kanyang pagta trabaho.
Lumakad na siya palabas ng banyo, tumuloy sa kalan at kinuha muli ang takure upang mag init ng maraming tubig. Alam kasi niya na maya maya pa ay magi gising na din ang kanilang mga magulang at magti timpla din ng kape ang mga ito, kaya't sa halip na magpa init ng tubig ng palit ulit ay pinili na lang niya na damihan ang tubig na kanyang ini iinit.
Tahimik lang sa kusina, hindi halos kumi kibo si Penelope at maski pag hinga niya ay pini pigilan niya na maka gawa ng tunog dahil nata takot siya na baka pag napansin siya ng kanyang kuya ay magka ideya pa ito na saktan din siya katulad ng ginawa ng kanyang ate. Hindi na mapapakali si Penelope sa kanilang tahanan. Dahil pakiramdam niya, ano mang oras ay maaari siyang patayin ng mga tao sa loob ng kanilang bahay. Naka tulala lang si Penelope sa pader habang nag iisip ng malalim, at nagulat na lang siya ng ay tsinelas na ini hampas sa kanyang likod.
''Balak mo bang igahin ang tubig diyan sa takure!?''- wikng kanyang kuya na syang pumalo sa kanyang likuan, dahil hindi napansin ni Penelope na mainit na pala an tubig at kanina pang sumi sipol ang takure.
Agad naman niyang pinatay ang apoy ng kalan at nag timpla na agad siya ng kape para sa kanyang kuya. Marahan na siyang nag lakad upang maiwasan na nag pagka tapilok na nangyare sa kanya kanina.
Ipinatong niya sa lamesa, sa harap ng kanyang kuya, ang mainit na kape at babalik na sana siya sa lababo upang mag timpla din ng kape para sa kanyang sarili.
''Pwe!''- napa lingon si Penelope sa kanyan kuya dahil ini supla nito sa sahig ang kape. ''Ano bang ini lagay mo dito at pagkaka pangit ng lasa!''- galit na sabi ni Oliver, pini pilit na hinaan ang boses dahil baka marinig sila ng kanilang ina.
Itinuro ni Penelope ang mga garapon ng asukal at kape, lumakad naman si Oliver upang tingnan ang mga garapon. Binuksan niya ang mga iyon at nakita niya na hindi asukal ang nandoon kundi asin.
''Inutil ka talagang bobo ka! Hindi mo ba tiningnan ang laman nito? Hindi mo ba alam na asin ito at hindi asukal!?''- gigil na gigil na sabi ni Oliver. ''Dahil ikaw naman ang nag timpla nito, at hindi mo ginawa ng maayos, ikaw ang uminom nito ngayon!''- utos ni Oliver kay Penelope at hinigit niya ang kapatid upang mai upo ito sa inu upuan niyang silya kanina, ini aro niya dito ang tasa ng kape at ini intay niya na inumin ito ni Penelope.
''Subukan mong huwag inumin ang lahat ng yan, maki kita mo talaga ang hina hanap mo.''- pagba banta pa ni Oliver.
Nanga ngatal pa ang kamay ni Penelope ng abutin niya ang tasa, dahan dahan niyang ini lapit iyon sa kanyang labi, at humigop siya doon ng kaunti. Sobrang alat! Dalawang kutsara pa naman ang inilalagay niyang asukal tuwing siya ay nagti timpla ng kape.
Napa ubo si Penelope dahil sa sobrang alat noon, hindi niya iyon kayang ubusin. 'Ipagti timpla na lang kita ng bago'- senyas ni Penelope kay Oliver ngunit hindi siya nito pinakinggan.
''Nagpa patawa ka ba? Talagang ipagti timpla mo ako ng bago, pero ubusin mo muna iyan dahil ayaw kong may nasa sayang. Hindi ka ba nanghi hinayang sa mga pagkain na ita tapon lang?''- wika ni Oliver na akala mo talaga ay may paki alam sa mga nasa sayang na pagkain.
Wala namang magawa si Penelope kaya't muli nyang dinampot ang tasa at pilit na uminom pa, balak niyang inumin lahat ng dire diretso ang lahat ng yun kahit na mainit pa yung kape. Ngunit talagang di kaya ng kanyang lalamunan ang init at nala lasahan pa din niya ang alat kaya nai buga niya sa lamesa ang kape na nasa kanyang bibig.
''Punyeta ka talaga, nag kalat ka pa!''- sabi ni Oliver, na para bang sya talaga ang nagli linis ng bahay. Samantala, sinilip niya ang tasa at madami pa itong laman. Ang tasa pa naman niya ay kasing taas at kasing luwang ng baso, kaya't marami talaga itong laman na kape.
'Tama na kuya'- nagma makaawang senyas sa kanya ni Penelope. Napa tawa naman ng bahagya si Oliver, talaga yatang wala ng awa at konsensya itong kanyang kuya.
Dinampot ni Oliver ang tasa, ''Madami pa ito''- wika niya at dahan dahang ibinuhos sa ulo ni Penelope ang lahat ng kape. Napa daing naman si Penelope dahil sa init noon ay napa paso ang kanyang balat. ''Ayan, ubos na''- naka ngising sabi ni Oliver sabay ipina kita kay Penelope ang tasa ng kape na wala ng laman.
''Pag labas ko, gusto kong nakapag timpla ka na ulit ng bagong kape''- sabi pa ni Oliver bago niya tinalikuran si Penelope at nag lakad ito patungo sa banyo.
Dali daling namang tumayo si Penelope upang mag timpla ulit ng kape, dahil alam niya na sandali lamang at lalabas na ulit ang kanyang kuya mula sa banyo. At hindi nga siya nagka mali, dahil saktong tapos niya ay pag labas nga ng kanyang kuya.
Lumapit si Oliver sa lamesa, umatras naman si Penelope dahil baka bigla namang ibuhos sa kanya ang kape. Tamang tama naman, narinig niya ang pot pot, ang tila tunog busina na dala dala ng magti tinda ng pandesal. Agad siyang tumakbo sa may TV at kumuha ng pera sa ibabaw ng patungan ng tv, at pagka tapos ay dali daling pumunta sa pintuan upang bumili ng tinapay.
Pag bukas niya ng pinto ay nakita niya ang Ginoo, sakay sa bisikleta at may dalang kahon sa likod nito, may laman iyong pandesal.
"Magandang umaga binibini!"- bati ng lalaki ng maka lapit sa kanya si Penelope, at napansin niya na madumi at basa ang damit nito. "Bakit ganyan ang iyong itsura?"- pagu usisa pa nito sa dalaga.
'Wag mo ng alamin!'- senyas ni Penelope sa lalaki. 'Pabili ng dalawang balot na pandesal'
"Masu sunod binibini"- sabi pa ng lalaki at nakita ni Penelope ang pag kindat niya kahit madilim pa ang paligid. Hindi pa niya ito nakita na walang suot na panyo sa mukha, iniisip ni Penelope kung anong kahalagahan ng ganung porma.
Pagka abot sa kanya ng pandesal ay diretso nang pag talikod si Penelope, at nag lalad siya agad patungo sa kanilang bahay.
"Sandali binibini!"- habol ng lalaki at hindi siya pinansin ni Penelope, pakiramdam kasi talaga niya ay may ibang layunin sa kanya ang lalaking yun.
"Sandali"- muling sabi ng lalaki, hinawakan niya sa kamay si Penelope bago ito makapasok sa tarangkahan, kaya't napigilan niya ito.
Napa balikwas naman agad si Penelope, tila takot na takot ito at biglang namutla, habang naka tingin sa kanyang kamay na hawak hawak ng lalaki. Agad namang binitawan ng Ginoo ang kanyang kamay.
'Ano ba!?'- gigil na senyas sa kanya ni Penelope.
"Nakalimutan mong mag bayad binibini"- napa maang naman si Penelope dahil sa labis na hiya. Namilog ang kanyang mata at siya ay nataranta. Nakakahiya!, sa isip isip niya. Umasta pa siyang nagsu suplada, yun pala ay di siya nag bayad.
Kinapa ni Penelope ang bulsa ng kanyang padyama at kinuha niya ang pera doon sabay abot sa lalaki.
Napa ngiti naman ang Ginoo dahil sa pamumula ni Penelope, kitang kita nito na nahi hiya sa kanya ang dalaga.
"Sa uulitin!"- naka ngiting wika ng Ginoo kay Penelope bago ito tuluyang pumasok sa kanilang tahanan.
"May senyales ng trauma ang binibini"- mahinang bulong ng lalaki sa kanyang sarili. Palihim niyang tinatasa ang kalagayan ng dalaga.
Lumakad na ang Ginoo at sumakay sa kanyang bisikleta, tumuloy na siya sa pagla lako ng mga pandesal, gina gawa niya ang trabaho na iyon dahil bakasyon naman at wala siyang gina gawa sa bahay kaya't naisipan na din niyang mag ipon.
Samantala, pag pasok ni Penelope sa bahay nila ay dumiretso agad siya sa kusina at ini lapag sa tabi ng kanyang kuya ang mga tinapay. Naisip niya na maligo muna bago mag kape, at para tapos na din doon sa lamesa ang kanyang kuya, sa ganun ay magiging payapa ang kanyang almusal.
Nag lakad na siya patungo sa hagdan, at naka salubong niya doon ang kanyang ina. Napa tigil si Penelope, at ganun din si Olivia. Tiningnan ni Olivia ang kanyang damit na basang basa ng kape, at pati na ang kanyang buhok na halatang basa din. Walang naging reaksyon si Olivia, sa halip ay lumakad siya ulit at nilampasan si Penelope.
Pati ba ang kanyang ina ay wala ng paki alam sa kanya?
Tila lumagapak sa sahig ang kanyang puso, ang nag iisang kakampi niya, ang kanyang ina, ay tila ba wala na ring pakialam sa kanya.
Napaka ganda naman ng umaga, sabi niya sa kanyang sarili. Hiniling niya na sana ay bulag na din siya, upang di niya makita ang kanilang mga mata na walang emosyon tuwing siya'y nakikita o pinahihirapan nila.