Nang matapos ang dinner at maglambing ang mama ni Markiel na doon kami magpalipas ng gabi, hindi na ako nakatanggi. Paano ko naman sila tatanggihan kung mabuti ang trato nila sa akin? Wala pa ngang isang araw na nakakasama ko sila ay pakiramdam ko sobrang malapit na ako sa kanila. Kahit ang mga anak namin ay mabilis nakasundo ang lola at lolo nila. Iyong mga kaibigan naman n'ya ay isa-isa nang umuwi nang lumalim na ang gabi. Sina Sebastian, Alfonso, Gabriella at Conrado lang ang nagpaiwan dahil sa malapit lang naman ang dalawa at hindi ko alam ang dahilan ng dalawa pa. "Susunod daw mamaya si Macky pero hindi ako sigurado. Kalalapag pa lang ng eroplano, e." "Saan ba raw galing? Noong nakaraan ay sa Myanmar nanggaling ang kulugong 'yon, e." "Jordan daw, e." Iyon ang narinig ko nang

