Siyempre ay hindi ako natulog doon sa connecting room! Pumasok nga lang ako roon para kunin 'yong pajama set na inihanda sa akin ng mama ni Markiel. Antok na antok na ako pero nang matapos akong maligo ay pinagkasya ko na lang ang sarili sa couch na nasa silid ng mga bata. Hindi kaagad ako nakatulog kahit na inaantok. At kung kailan nakaidlip na ako, sana ko naman naramdaman ang pag-angat ng katawan. Dahil sa pagod ay hinayaan ko na lang iyon, baka kasi nananaginip lang ako. Maya-maya pa ay naramdaman ko ang malambot na kama sa likod ko. Bahagya akong dumipa pero hindi ako nahulog. Teka, ganito ba kalawak ang couch? Disoriented pa ako nang magmulat. Wala ako sa sofa at mas lalong wala ako sa kama ng kambal! "You're not just cold-hearted but also hardheaded, huh?" Mabilis akong napaba

