Hindi kaagad humupa ang emosyon ni Kuya Isko. Kahit na nga nagawa ko s'yang paupuin sa sofa ay umiiyak pa rin s'ya. Hindi na s'ya nakayakap sa akin pero ayaw pa rin n'yang bitawan ang kamay ko habang ang isa naman ay nakatakip sa kanyang mukha. "Kuya..." Hindi ko alam kung paano s'ya pakakalmahin dahil ito ang unang beses na nakita ko s'yang ganito. Hindi rin talaga kami malapit sa isa't-isa kaya talagang naninibago ako. Ilang minuto pa yata s'yang emosyunal bago nagawang makapagsalita. "I'm sorry..." Pang-ilang beses na n'yang inulit iyon. "I'm really sorry, Sofia..." Oo at masama ang loob ko sa kanya pero ganoon nga siguro kapag pamilya mo. Gaano man kasakit ang ginawa nila sa 'yo, gaano man kalalim ang sugat na binigay nila sa 'yo, hindi pa rin sila nawawalan ng puwang sa puso mo

