Kuya Leon really healed his inner child. Sobra s'yang nag-enjoy sa bawat rides na sinakyan. Wala ring nagawa si Kuya Isko dahil mukhang talagang gusto n'yang bumawi sa amin. Minsan ay sumasama si Aece at minsan naman ay ako ang kasama nila pero iyong mga intense ride ay silang tatlo lang. Siyempre ay nag-enjoy din ang mga anak ko. Sinakyan ni Marco ang lahat ng rides na child-friendly at ilan lang ang kay Antonia. We spent a whole day in Enchanted Kingdom. Mag-a-alas diez na nang dumating kami roon at alas sinco na nang umalis kami. Bagsak na ang mga bata nang makauwi kami kaya pinunasan ko na lang sila para kahit paano ay komportable silang matulog. "Dito ka na lang matulog, kuya." Kalalabas ko lang ng kuwarto at nasa sala pa rin si Kuya Isko. "May gamit naman dito si Kuya Leon." "

