Tipsy na ako nang magdesisyon kaming umuwi. Pareho yata kami ni Kuya Leon dahil sobrang ingay namin sa sasakyan. Kahit si Kuya Isko na walang planong uminom dahil s'ya ang magda-drive ay lasing na rin. Kinailangan pa tuloy naming tumawag ng designated driver. "He didn't reply..." I murmured. Nasa backseat kami ni Kuya Isko while Kuya Leon's in the passenger seat. Hindi ko alam kung nasasaktan ba ako dahil pakiramdam ko ay naiiyak ko na ang lahat kanina. Sabay pa nga kaming umiyak ni Kuya Leon. Hiyang-hiya tuloy si Kuya Isko sa pinagagagawa namin pero hinayaan n'ya pa rin kami pero hanggang doon lang naman ang ginawa namin. Hindi naman kami totally nagwala. Ang alam ko ay madaling araw na nang makabalik kami sa unit ko. Medyo okay na ako pero bagsak pa rin si Kuya Isko kaya hirap na hi

