Isang taon lang ang tanda ko kay Delilah. I'm now twenty-eight. Ibig sabihin ay halos tatlong dekada na nilang ipinagkakait sa akin ang katotohanan. Sa aming magkakapatid. Dahil iyon din pala ang problema ni Kuya Isko nitong mga nakaraang araw. Hindi n'ya kaagad sinabi kay Kuya Leon sa pag-aalalang baka sabihin nito sa akin pero alam na ni Kuya Leon ang tungkol doon noon pa lang. And they both hid that from me. Kaya madalas ay hindi na umuuwi sa unit ko si Kuya Leon. Pinili n'yang itago sa akin ang totoo dahil ayaw n'ya akong masaktan. Hindi rin n'ya gustong dagdagan pa ang mga iniisip ko. Alam kong iyon din ang dahilan ni Kuya Isko at naiintindihan ko silang dalawa. Pero sana ay sinabi pa rin nila sa akin. Hindi na naman ako bata at hindi ko gustong nahihirapan sila samantalang ako a

