Episode 26

1183 Words

" Hi po tita, magandang gabi po " bati ni Ryan at Lexie kay mama pagkabukas ng pinto. " Lexie, Ryan! magandang gabi din. Ang tagal niyong hindi napadalaw dito ah! " masayang sabi ni mama. " Oo nga po tita e, busy po kasi sa school. " " Hi tita, long time no see " it was Kyle. " Ay naku! ikaw na nga ba yan Kyle? " gulat pero masayang tanong ni mama. " Opo tita, ako po at walang iba. " ngiting-ngiting sabi ni mama. " Ay naku, ay napakagwapo mo na. Kailan kapa narito sa Pilipinas? bakit ngayon ka lang nagpunta dito? " " Ah, mahabang kwento po tita, pero kwekwento ko po sayo mamaya. " pambobola ni Kyle. " Hello po, magandang gabi po! " singit naman ni Maicca at Patrick na kararating lang, so yun may reunion sila sa may pinto. " Magandang gabi rin! Pasok kayo " pinapasok sila ni mama

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD