" Gaya nga ng sabi ko, wala na tayong final examination. Gagawa na lang kayo ng scrapbook tungkol sa mga pinuntahan nating lugar. Ilagay niyo dun yung mga natutunan niyo syempre with picture. " paliwanag ni Zeus. Ilang araw narin kaming nakauwi galing tour, pag uwi nga namin ay agad kinuha ni mama yung camera sakin pero hindi ko binigay kaya yung kay Zeus ang tinignan niya. Hindi ko yun pwedeng ipakita may mga stolen shots si Zeus dun. Narinig kong nagpaalam na si Zeus, tumingin ako sa kanya pero abala ito sa pag aayos ng gamit niya at agad ding lumabas ng room. " Zyrine, overnight tayo sa inyo mamaya. Gawin na natin yung Scrapbook total wala tayong pasok bukas." wika ni Lexie. " Okay! " inaantok kong sagot saka umob-ob sa arm chair. " Anyare sayo? parang lantang lanta ka naman? " ta

