Nagising ako sa puting kwarto. Nasa ospital pala ako, ano nga bang nangyari kahapon? " Anak, gising kana pala. Okay ka lang? Anong nararamdaman mo? " nag aalalang tanong ni mama. " Okay lang po ako " sagot ko at tinulungan niya akong umupo. " Ano bang nangyari at dinugo ka ha? Saka bakit hindi mo sinasabing buntis ka? Abay muntik kanang makunan. Ikaw talagang bata ka " Nagulat ako sa sinabi ni mama " A-ano po? Buntis? " hindi makapaniwalang tanong ko kay mama. " Hindi mo alam? " napatingin ako sa impis kong tiyan. Kaya pala ganun na lang ako kasungit noong mga nakaraang araw, tapos lagi akong nahihilo. Kaya pala ang baho ng pang amoy ko sa bawang at nasuka pa ako. " Kumusta daw po ang baby? " tanong ko nang maalala na dinugo nga pala ako. " Okay lang po kaya? Hindi po kaya nagkap

