Episode 36

1086 Words

Dalawang linggo na mula ng makalabas ako ng ospital. Wala narin naman kaming klase, naghihintay na lang ng picturial tapos graduation na. Si Zeus naman, hindi ko na nakita mula noon pero sabi ni mama, pagkatapos niya pumasok sa opisina ay dumadaan dito para kumustahin ako. Hindi ko pa rin kasi siya hinahayaan na makalapit sa akin o kahit man lang makita ako, doon lang siya sa living room maglalagi ng tatlo o dalawang oras, malay ko kung anong ginagawa niya. Minsan ay nahuli ko siyang nakasilip sa may pinto ng kwarto ko nang maiwan ko itong bukas, hindi ko na lang pinansin, aaminin ko namimiss ko na siya at kahit papaano ay humupa na ang galit na nararamdaman ko sa kanya, yun nga lang, mas nananaig pa rin sa akin na tiisin siya. " Hindi mo pa ba kakausapin si Zeus? " Tanong sa akin ni m

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD