Nagulat ako nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at iniluwa nun si Zeus na may dalang maleta. " Anong ginagawa mo dito? " kunot noong tanong ko. " Ah! diba dito na ulit ako titira? kaya ito, dala ko na mga gamit ko " masayang sabi nito. Napabangon ako sa kama dahil sa sinabi niya. " Pumayag akong dito kana ulit tumira pero hindi ko sinabing dito ka sa kwarto ko. Alis! " pagtataboy ko sa kanya, sumimangot naman siya. " Pero kasi, mas okay na dito ako para kapag may kailangan ka madali mo lang akong matatawag. " pagdadahilan nito. " Aalis ka o hindi? " naiinis kong tanong dito. " Aalis na po! " nakasimangot niyang sagot at lumabas na ng kwarto. Humiga ulit ako pero hindi nagtagal ay bumangon ako at lumabas ng kwarto. Uminom ako ang tubig at bumalik din kaagad. Pero nagulat a

