Ang Panunumpa (pangalawang bahagi) Ika-7 at limang minuto ng umaga sa naturang Lunes ng umaga. Sa ika-5 palapag ng Pamantasan ng Arguella na dalawang bloke ang agwat mula sa Arguella City Hall. Isang oras bago ang unang pagsabog. Ilang buwan nang hinihintay ng kaniyang editor ang manuskritong salin sa Filipino ng pamosong nobela ni Alexander Dumas na “Count of Monte Cristo.” Ano ba talaga ang uunahin sa buhay ni Paul Michael Manzano? Ang pagiging matagumpay na guro, o ang pagiging nakikibakang manunulat? Mula sa faculty room ng kanilang departamento, ang Department of Public Administration and Governance, o DPAG, sa ika-5 palapag ng paaralan, mag-isang nakatayo sa isang nakabukas na salaming durungawan si Paul Michael Manzano. Migz, sa kaniyang mga kakilala’t kaibigan. Prof - o kaya’y

