Kabanata 11

1283 Words

Ang Panunumpa Pasado 6:10 ng umaga, sa isang sulok ng bangketa na malapit sa pinagdarausan ng flag raising ceremony ng mga opisyales at empleyado ng Arguella City Hall. May liwanag na sa paligid, ngunit hindi pa rin umaaninag ang mainit na sinag ng araw sa bahaging ito ng kapuluan. Wala pang masyadong opisyales at empleyado ng city hall sa hugis-tatsulok na pook na pinagdarausan ng flag raising ceremony tuwing Lunes ng umaga sa kapitolyong lungsod ng Pilipinas. Nakapagitna sa lugar na ito ang naturang marker, o pananda, kung saan nakasaad ang kasaysayan ng pagkakatatag ng bulwagang lungsod ng Arguella. Mahigit-kumulang limang metro ang layo sa naturang marker ay ang posteng bakal kung saan itinataas ng alkalde, bilang ama ng lungsod, ang Pambansang Watawat ng Pilipinas. Kasama sa naturan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD