Hindi makapaniwala si Stella ng makalapit siya ng Palasyo. Nagkalat ang mga kawal sa buong paligid. Nanlisik ang mga mata niya ng masaksihan ang kaganapan sa labas ng palasyo. Masaya na nakaharap si Prinsesa Roisa sa lahat ng nakatira sa womanland. Inanunsiyo ang pagkahirang nitong bilang bagong Reyna at dahil wala pa rin malay ang Reyna ito muna ang uupong Reyna ng Womanland. May natuwa at may ilan naman na nadismaya at isa na siya roon. Naikuyom niya ang mga palad. Agad na naging alisto siya ng may paparating na kalaban na umiikot sa buong paligid. Nakaalarma na marahil ang mga ito dahil sa pagpasok nila ng womanland. Agad na nakaisip siya ng paraan kung paano siya makakapasok ng palasyo. Namataan niya ang isang kawal. Napangisi siya ng mabuo ang isang ideya sa utak niya. Sa gitn

