"Damn.." agad na bulalas ni Aquer ng agad na mamataan mula sa malayo ang ilang kalaban na nagkalat sa paligid palabas na ng kagubatan. Agad naman nagsitigil ang lahat ng mamataam din ng mga ito ang mga iyun. "Marami sila.." paanas niyang saad. Sapat para magkarinigan silang lahat. "Fuck.." si Aquill. Agad na pinakalma ito ng kasintahan. "Wala ibang paraan kundi ang tapusin silang lahat para makalabas tayo rito," matter-of-fact saad ni Aquilles. "Pero saan natin makikita si ina?" anang ni Aquill. "Ang sabi ni Stella. Madali makikita ang palasyo pero..mahihirapan tayo dahil sa mga alipores ni Prinsesa Roisa," si Sanastacia. Naikuyom niya ang mga palad. Agad na kumalma siya ng yakapin siya ni Fellie. Lumapat ang mga labi niya sa gilid ng nuo nito. Kung wala lang ito sa tabi niya malaman

