Agad na napatayo si Prinsesa Rebeka ng makita ang pagbukas ng kulungan ni Amir. "Sumama ka!"marahas na utos ng isang kawal sa binata. Agad na nabahala siya. "Amir.." puno ng pag-aalala niyang saad. "Bakit naman ako sasama sa inyo?" matapang na tanong ni Amir sa mga ito na hindi nag-abalang tumayo man lang. "Gusto kang makita ni Reyna Roisa!" Agad na namuo ang galit sa dibdib niya ng marinig ang pangalan ng kapatid. "Hindi ako sasama sa inyo..at ayokong makita ang Reyna niyo dahil baka mapatay ko lamang siya!" tiimbagang na saad ni Amir. Hindi niya alam kung ano ang binabalak ng kapatid kay Amir pero may isang ideya ang pilit na sumisingit sa isip niya. Agad na iwinaksi niya iyun ng tumingin sa kanya si Amir. Masuyo siya nito pinukulan ng tingin at pinahihiwatig na huwag siyang mag

