Kahit anong pagpipiglas ni Amir sa mga tauhan ni Prinsesa Roisa habang dinadamitan siya ng magarang kasuotan ay hindi siya makapalag dahil sa higpit na pagkakahawak ng dalawang kawal at nakagapos pa ang mga kamay niya kaya hindi niya magawang makalaban sa mga ito. "Tapos na bang bihisan yan?!"pagpasok ng isang babaeng bampira na may nakakatakot na anyo. Isang hitsura ng mandirigma. Mabagsik. " Tapos na,"anang ng nagbihis sa kanya. Matalim niyang pinukulan isa-isa ng tingin ang mga ito at ang kanyang mga pangil na sumisilip sa nakaawang niyang mga labi. "Kalagin ang gapos sa mga kamay niya. Hindi nais ng mahal na Reyna na may gapos siya na haharap sa lahat ng taga- womanland.."maawtoridad nitong utos sa mga ito na agad naman tumalima. Naningkit ang mga mata niya sa sinabi nito. Anong n

