Isang impit na daing ang pumunit sa katahimikan sa likod ng palasyo ng sabay-sabay na bumagsak ang mga kawal na nagbabantay roon. "Exciting 'to!" bulalas ni Aquill pagkaraan maging abo ang isa sa mga kawal naroroon. "Kailangan natin mag-ingat.." si Aquilles. Pinakiramdaman nila ang paligid kung may mga kalaban na malapit sa kanila saka sila sabay-sabay na pinasok ang palasyo. Agad na sinalubong sila ng mga napakaraming nagkakasiyahan. Talagang isang malaking pagtitipon ang ginanap sa loob ng napakalawak na palasyo. Nagsenyasan sila na magkanya-kanya ng pwesto. Suot ang ibinigay na pangdisguise ng matandang manggagamot ay humalo sila sa gitna ng nagkakasiyahan hanggang sa mag-anunsiyo ang nasa pinakamataas na balkonahe ng palasyo kung saan ang lahat ay natahimik at natuon ang atensyon

