Womanland "Nasaan si Prinsesa Rebeka?" agad na pagtatanong niya sa mga nakabantay na mga alalay ng Reyna sa labas ng silid nito. "Bakit nandito kayo sa labas nagbabantay?" kasunod niyang tanong. "Mahal na Prinsesa,nasa labas po si Prinsesa Rebeka kasama ang anak ng manggagamot ng Mahal na Reyna.." tugon ng isa sa mga ito. "Habilin po ni Prinsesa Rebeka na wala sinuman po ang papasok sa loob hanggat wala siya," pagsagot nitong muli. "Ganun ba..sige,sisilipin ko lang ang Reyna," aniya pero agad din atubiling nagsalita ito. "I-ipagpatawad niyo po,Mahal na Prinsesa..hindi po kayo maaaring pumasok sa loob," nakayuko nitong saad na kinasingkit ng mga mata niya. "Sino nag-utos na hindi ako pwedeng pumasok?"may himig na babala saad niya. "Ako..makakapasok ka lamang kung nasa loob ako,"anan

