Kahit anong pilit na pagpapakalma niya sa sarili pinangungunahan pa rin siya ng takot,guilt at pangamba. Paano kung hindi siya mapatawad ni Sanastacia? Walang kapatawaran ang ginawa niya rito. Pero may bahagi ng utak niya na masaya na..buhay ito. Napapitlag siya ng hawakan ni Aquer ang mga kamay na mariin na pala nakakuyom sa ibabaw ng hita niya. "Relax..Aquilles assure na kalmado na si Sanastacia,"pagpapakalma sa kanya ni Aquer. Kinakabahan na nginitian niya ito hanggang ngayon hindi siya makapaniwala na mahal siya ng binata. Napapikit siya ng halikan nito ang nuo niya. " I'm here.."usal nito. Nakangiti na tinanguan niya ito at agad na naalarma ng makita ang pagpasok nina Aquilles at Sanastacia. Ilang beses siyang huminga ng malalim bago siyang humarap sa mga ito at hawak pa rin ni

