Masaya siyang umuwi sa kanyang bahay. Umuwi lang siya para kumuha ng ilang masusuot at sasama na siya kay Aquer kung saan sila titira kasama ang dalawa kakambal nito. Napagpasyahan ng mga ito na magsamasama na lang sa iisang bahay ng sa ganun madali ng mga ito maprotektahan ang isa't-isa. Agad na pumayag siya sa kagustuhan ni Aquer na manatili sa tabi nito lalo na ngayon nauugnay siya sa prinsesa. Ngunit hindi niya hahayaan na mapahamak siya mula kay Roisa. Naghihintay sa kanya si Aquer. Napangiti siya ng sapuhin niya ang suot na kwentas na binigay sa kanya ng kasintahan. Kasingtumbas ng isang engagement ring. A promise to be with him forever. Agad na natigilan siya ng maramdaman ang pamilyar na presensya iyun na nasa loob ng kanyang silid. Ano naman ang ginagawa niya sa silid ko? Nab

