Kanina pang hindi mapakali si Aquer. Dapat pinilit niyang samahan ang kasintahan sa pagkuha nito ng damit sa bahay nito. s**t! "Kakahiwalay niyo lang namiss mo na agad..mukhang in love na in love ka talaga sa kanya ah!" si Aquill. Marahas siyang bumuga ng hangin bago ito hinarap. "Tss.." Tumawa ito at inakbayan siya. "Ayos lang yan..pare-pareho tayo nina Aquilles na patay na patay sa mga babaeng nagpatibok sa puso natin!" Napailing na lang siya. Tinapik naman siya sa balikat ni Aquilles na hindi niya namalayan na nasa tabi na pala niya. "Siya na ba?" anito. Napangisi siya ng matukoy ang ibig nitong sabihin. Tumango siya. "Kung ganun! Sabay-sabay tayo magpakasal!" si Aquill. Sabay nila ni Aquilles nilingon si Aquer na agad na napangiwi. "Hah! Syempre mangyayari naman yun pagkatapos

