Sa pangunguna ni Azam sinenyasan niya ang lahat na magkubli at huwag gumawa ng kahit anong ingay na posibleng makakuha ng atensyon ng mga babaeng bampira na nakapalibot sa talon kung saan sa likod ng rumaragasang pagbagsak ng tubig mula sa taas ng talon ay ang portal patawid sa womanland. Ilang milya pa lang ang kinaroroonan nila mula roon. Sinuyod ng matatalas niyang mga mata gaya ng mga alaga niyang uwak ang bilang ng mga ito. Kailangan nila madistract ang mga ito bago sila makalapit roon at isa-isahin patumbahin ang mga ito. Gagamitin niya ang mga alaga niya para makuha ang atensyon ng mga ito. "Hayaan niyo akong makalapit roon ng mag-isa," untag ng pitong taon gulang na si Sanya. Ang anak nina Aquilles at Sanastacia. His beloved,Sanya. "Hindi..ako na ang bahala," kontra niya rito

