Agad na nagkulay pula ang paligid niya ng makita ang kalagayan ng kasintahan. Mahinang-mahina na ito habang nakakagapos ito sa puno. Mahina na ang t***k ng puso nito. Agad na pinigilan siya ni Aquilles ng tangka na siyang sumugod roon. Napaangil siya rito. "Huwag mong kalimutan laban natin tatlo ito..kaya huwag kang susugod ng mag-isa at ng padalos-dalos.." mariin na saad ni Aquilles sa kanya. Padarag na pinalis niya ang kamay nito na mariin na nakahawak sa balikat niya. "Just calm down,Aquer..tama si Aquilles..hindi kami papayag na hindi tayo sabay-sabay na susugod dun.." kalmadong untag ni Aquill. Mariin siyang napakuyom ng mga palad. Hindi niya matiis ang kalagayan ni Fellie! Pero tama ang mga ito! Hindi lang siya ang may laban nito. Silang tatlo. "Maghiwa-hiwalay tayo..tahimik pa

