Agad na naging alerto si Prinsesa Rebeka ng maramdaman ang presensya ni Prinsesa Roisa sa silid niya. "Anong ginaga-" natigilan siya sa pagtatanong rito ng matanto na nakagapos ang mga kamay niya. Napasinghap siya ng makaramdam ng hapdi mula sa lubid. Nakangisi na ito ng balingan niya ito. "Wala kang kasingsama!" Humalakhak ito. "Ang totoo niyan wala naman ako balak gawin ito kaya lang..masyado ka ng matapang ngayon," anito. Sa galit niya sinugod niya ito pero hindi pa man siya tuluyan nakakaalis ng kama agad na pinigilan siya ng dalawang alipin sa magkabilang braso niya. Marahas na sininghalan niya ang mga ito. "Mga traydor kayo sa lahi niyo!" asik niya sa mga ito. "Sige na..dalhin siya sa kulungan.." Agad na nakaramdam ng pag-aalala si Prinsesa Rebeka ng maalala ang ina. Hindi n

