Agad na nagkanya-kanya ng kubli sina Stella nang maulinigan nila ang ilang pag-uusap mula sa labasan ng malawak na kagubatan. Sabay-sabay nila tiningala ang kinaroroonan ng palasyo. "Bantayan ang bawat sulok ng labasan ng kagubatan. Ayon sa utos ni Reyna Roisa patayin kapag nakita ang mga tagalupa!" Napasinghap si Stella sa narinig niyang iyun. "Hindi maaari. Nasaan na ang Reyna?" di makapaniwala usal niya. Agad na hinapit siya ni Enrico na tahimik lang sa tabi niya. "Anong nangyayari?" si Sanastacia. "Nandito na sa womanland si Prinsesa Roisa..at siya na ang Reyna ngayon," maang niyang saad sa mga ito. "Kung nandito na siya. Ibig sabihin nandito na din sina Aquilles?"si Sanastacia. " Mukhang nasakop na ng kasamaan ang mundong ito,"si Sabina. "Kung nandito na sina Aquilles..bakit

