"Kanina pa kita hinihintay,mahal kong kaibigan," bungad sa kanya ng pamilyar na boses na iyun sa gitna ng kadiliman ng kanyang salas. Agad na napapihit siya paharap rito kung saan ito naroroon. Nakaprenteng nakaupo sa single sofa na palagi nitong imuupuan habang may hawak na wineglass na naglalaman ng pulang likido. Mukhang pinagtyagaan nitong inumin ang nakastocks niyang dugo na nasa refrigerator. Hindi na siyang nag-abalang buksan pa ang ilaw sapat na ang liwanag mula sa buwan na pumapanglaw sa kanila. Walang emosyon na hinarap niya ito gaya ng pinapakita niya palagi rito. Ngumisi ito. "Hindi ka pa rin nagbabago sa tagal natin hindi nagkita ang suplada mo pa rin," anito. "Matagal kang hindi nagpakita?" tugon niya ng pagtanong rito. Tumayo ito na may ngisi pa rin sa mga labi. "Nam

