Sinuyod niya ng tingin ang isang malaking bahay pagkahinto nila sa harapan niyun. Agad na naramdaman niya ang mga presensya na nasa loob ng bahay na iyun. "Aquer?!"biglang pagsulpot ng isang magandang babae. Hindi ito makapaniwala na nakatitig sa kanya. May kislap ng luha ang mga mata nito. " Stella.."si Azam. Agad na naalala niya ang tungkol rito. Ito ang babaeng nagdala sa kanila sa mundong ito. Ang babaeng siyang dahilan kung bakit nagkahiwa-hiwalay silang magkakapatid. "Aquer.." emosyonal na nitong saad. Kung titingnan napakabata nito para sa tunay nitong edad. Nanatili lang siya nakatitig sa maganda nitong mukha. "Aquer?!" Agad na napatingin siya sa tumawag na iyun na kaboses niya. Napamaang siya ng masilayan ang dalawang mukha na magkasunod na lumabas ng bahay. Fuck! Nagpa

