" What's happening to me?"
Gusto na niyang dukutin ang kanyang mga mata at itago sa kung saan baul. Bakit parang hinahanap ng kanyang mata lagi ang kanyang driver?
And there he is, naka baseball cap at naka maitim na sun glasses habang papalapit sa kinaroonan niya. I can't find him handsome but beautiful! He is wearing just a plain white t-shirt that he always does and jeans and yet, ang kanyang mata ay hindi nakikinig sa kanya. Hindi nito magawang ibaling ang tingin palayo dito.
" Good morning sir, nagpunta kami ni manang sa plantation ang lawak pala. Inabot na kami ng tanghali."
Malaki ang ngiti nito sa labi.
" s**t that lips, why do they look so kissable?"
Gusto niyang murahin ang sarili sa naisip.
" Okay, lang kayo sir? Hangover?"
Tanong nito na may kasama pang tapik sa kanyang balikat.
" Ha? Yeah, I'm good!"
Sabi niya at tinalikuran ito.
" Anong oras po ang balik natin sa Villa Soler?"
Pahabol nitong sigaw sa kanya.
" After lunch!"
Ganting sigaw niyang sagot, pero ang totoo gusto niya talagang sumigaw ng malakas. Gwapo ang mga kaibigan niya pero hindi siya ganito. Merong mali sa kanya!
" Dude, where are you?"
Tinawagan niya si Adam, kailangan niyang I divert ang kakatwang nangyayari sa kanya.
"Sa resort sa Laguna. May problema ba?"
Agad nitong tanong. Hindi na siya nagdalawang isip na puntahan ang kaibigan.
" Puntahan kita diyan."
" Good! Veronica is here, i closed mo na deal mo sa kanya."
" Okay then. See you."
Ibinaba na niya ang tawag at lumabas ng veranda ng kanyang kwarto, dito tanaw niya ang grape farm. Pero meron pa silang nakakalat na plantasyon sa iba ibang lugar at bansa para mapunan ang production ng kanilang alak.
Napabuntong hininga siya ng makita ang red wine sa pasimano ng veranda. Marahil naka simsim lang siya ng alak kaya ganun ang reaksiyon niya sa kanyang driver.
" Maybe, I should not even sip any wine from now on."
Aniya sa sarili at pumasok ng silid at naligo. Kasi naisip niya kailangan niyang may makitang iba.
" Are you okay, senyorito?"
Tanong ni Uno sa binata na padarang na pumasok sa kotse. Agad nitong isinandal ang ulo at pumikit.
" Just drive, sa resort tayo sa laguna."
Na received niya ang address na send nito at ang resort. Alam niya iyon kasi kilala itong resort sa bansa.
Hinayaan na lang niya ang lalaki, marahil masakit ang ulo. Nakita niya mula sa kanyang kwarto kagabi na nagpatuloy itong uminom ng iwan niya sa garden.
Nagpatugtog siya ng music na hindi naman kalakasan, hindi niya napapansin na sumasabay na siyang kumanta. She loves the song at nagpapasalamat siya kakayahan niyang mag boses lalaki.
" I'm going under and this time I fear there's no one to save me.
This all-or-nothing really got a way of driving me crazy.
I need somebody to heal, somebody to know, somebody, to have, somebody, to hold.
It's easy to say, but it's never the same, I guess I kinda like the way you numbed all the pain.
Now the day bleeds, into the nightfall, and you're not here to get me through it all.
I let my guard down and you pulled the rug.
I was kinda used to being someone you loved"
Narinig na lang niya ang pagtikhim ng lalaki. Bahagya siyang lumingon at Alanganin na ngumiti.
" Sorry!"
Hingi niya ng paumanhin at pinatay ang stereo ng sasakyan.
Pero na LSS yata siya kaya, ipinag patuloy niya ang paghimig sa mahinang boses. At mabuti na lang at hindi na umangal ang kanyang pasahero na ngayon ay nakatingin na kanilang dinadaanan.
Tumahimik lang siya ng makita na muli itong pumikit ng mata. Nag concentrate siya sa pagmamaneho hanggang makarating sa resort na pag aari ng mga Santillan.
" Never been here, it's world-class."
Puri niya ng makita ang magandang resort. Hindi naman na hinintay nitong pag buksan niya ng pinto. Nagmamadali na itong lumabas ng sasakyan. Habang may kausap sa telepono.
Nagkibit balikat siya sumunod dito papasok sa loob ng hotel. Pero nanlaki ang mata niya sa nakitang naka upo sa lobby ng hotel. Kilalang kilala niya ang babae na prenteng naka upo at nag bubuklat ng magazine.
Agad niya itong nilapitan at hinila sa pool area at umupo sa bakanteng upuan na nakita.
" Ysa, what are doing here?"
" Don't call me Ysa. I'm Uno. And you have to call me by that name until my hair is short."
Lumaki ang ngisi nito sa kanyang sinabi.
" You too also run away? But why?"
Maang nitong tanong, kasi sa simula alam nito na obedient siyang anak ni Lucas Mondragon
"Did you see that guy?" Turo niya kay Sib sa di kalayuan na may kausap na ngayong lalaki na nakita na niya noon sa hotel.
"Gwapo!"komento naman ni Ivanna.
"He's the one Mr. Mondragon choose for me." Sabi niya at bumuntong hininga.
"What?!!" Napalakas nitong sabi. Muling niyang inilapit ang mukha dito.
"You don't like him? Bagay naman kayo." Sabi ni Ivanna na panakaw na sinusulyapan ang lalaki.
"I think he's gay!" Bulong niya dito.
"I need proof so I can say no to the arranged marriage Mr. Mondragon cooked for me." Mahina pa din niyang tinig.
"Bakit mo naman nasabi yan? He looks so damn hot! Look every girl trying to catch his attention." Inginuso pa ni Ivanna ang pag lapit at pagpapansin ng mga babae dito.
"Pero deadma! Look where is his attention?" Pareho nilang tiningnan ang lalaking papalapit dito.
Parehong malaki ang ngiti ng dalawa, nagkamayan at nagtapikan ng balikat.
"They know each other. They're friends." Sabi ni Ivanna, na parang kilala nito ang dalawang lalaki na ikinagulat niya.
"Do you know him?" tanong niya.
"Yeah, his Adam I worked for him. As a maid." Nakangiting sabi ng kaharap na halos makapag pahulog sa kanya sa kinauupuan.
"Ivanna? Ikaw ba yan?" Sabi niya na hinawakan ang baba nito at sinipat ang mukha.
"And why? You can do the crazy thing and I can't?" Sabi nito sa kanya. Pinanggilan niyang pisilin ang magkabila nitong pisngi.
"They are coming!"
Maya maya ay sabi nito, kaya binalaan niya ito.
" Call me Uno, or I will tell your secret."