" You two knew each other?"
Tanong ng boss ni Ivanna, sinipat siyang mabuti na alanganin naman siyang ngumiti.
" We used to work together."
Sagot naman ni Ivanna at ikinawit ang mga braso sa kanya.
Nagkatinginan muna ang dalawa, hanggang hindi niya alam kung bakit napapayag silang kumain kasama ng mga ito.
Inakbayan niya si Ivanna at saka pabirong sinabi.
" Masarap pag libre. Besides na miss kita. Ngayon lang ulit tayo mag kakasama kumain."
Naupo sila kasama ng mga iba pa nitong kaibigan. Pero pansin niya ang pag lukot ng gwapong mukha ng boss ni Ivanna kaya mas lalo siyang nakaisip ng kapilyahan.
" Parang gusto kang gawing appetizer ng boss mo?"
Bulong niya dito, bahagya siya nitong hinampas sa hita at humarap sa kanya.
" Order for me, Uno."
" Sure, let's have steak since libre naman. Di ba Senyorito Sib?"
Baling niya sa kaharap na lalaki na lukot din ang mukha. Pero hindi nakabawas sa kagwapuhan nito.
" Para namang may ibabayad ka. Ang dami mo na ngang cash advance."
Pagsusungit nito sa kanya.
" Ang sungit parang may regla."
Bulong niya kay Ivanna at tumawa lang ito.
" May sinasabi ka?"
Agaw atensyon nito sa kanya.
" Wala naman po."
Sabi niya at tumahimik na. Nabaling ang pansin ng mga nasa mesa kay Ivanna. Hindi niya alam saan nanggaling ang mga pinagsasabi nito pati siya nadamay.
" At ikaw naman anak ka ng Korean?"
Tanong ni Sib sa kanya at matiim siyang tinitigan.
" Bakit mo alam?"
Maang maangan niyang sagot.
" Your skin speaks it all."
Sabi lang nito, at nag simula ng kumain. Nagsimula silang mag katinginan ni Ivanna.
Matapos ang isang masayang hapunan, nagpa alam na din sina Ivanna.
" Take care, Ivan, and call me anytime."
Bilin niya dito bago sumama sa boss nito na ubod din ng gwapo.
" Alis na ba tayo Senyorito?"
Tanong niya sa kanyang amo na nakamasid sa kanya.
" Is she the one you were thinking about?"
Tanong nito, tumango na lang siya.
" Well, I don't think she will choose you over Adam Santillan. You will be broken-hearted just forget about her."
Hindi naman concern ang nahihimigan niya sa tinig nito kundi galit.
" Ang tanong senyorito, siya ba ang pipiliin ni Adam? I don't think so."
Nakipag titigan siya dito na ito din naman ang sumuko.
" Sib, aren't we supposed to celebrate? "
Lumapit sa kanila ang hitad na modelo na ng umalis sina Adam at Ivanna ay kay Sib naman ito nagpakita ng malusog na dibdib.
" Of course, I will host a party. Send ko na lang ang invitation sa iyo."
Magiliw na nitong sabi.
" Bring friends, I don't mind."
Dugtong pa nito, na ikinagalak naman ng modelo. Hindi nito naitago ang kasiyahan.
" Looking forward to it."
Masayang nitong sabi at nagpaalam na sa kanila.
" Bye, Uno."
Sabi nito at mapanuksong hinawakan ang kanyang mukha.
" Yeah bye."
Aniya na alanganin na ngumiti.
" Let's go, Uno."
Agad naman na yaya ni Sib, at malalaki ang, hakbang na nagtungo sa parking area.
Wala silang imikan sa byahe kaya nag kasya na lang sa pag sabay sa pag kanta sa stereo. Himala naman na wala siyang nakitang pag protesta dito.
Pagdating sa Villa ng mga Soler, katulad kanina na una na itong lumabas at nagmamadali na pumasok sa loob ng bahay.
Siya naman ay nagtuloy sa kanyang quarters at nag pahinga ng maaga.
" Good morning numero Unong ka gwapo."
Masayang bati ni Loutes sa kanya, at inabutan siya ng kape.
" Salamat, Loutes na mganda."
Ganting bati niya dito at may panggigil na pinisil ang kanyang pisngi.
Isang tikhim ang nakapag pigil sa kanya para gantihan ang dalaga.
" Uno, maaga tayong aalis. Finished your coffee then we will leave."
Nilingon niya ito na nakabihis na.
" Okay senyorito."
Mabilis niyang sabi at minadali ang pag simsim ng coffee.
" Grabe naman si Senyorito Ibarra, hindi ka pa nakakain eh."
Si Loutes ang nag reklamo ng tumalikod na ang binata sa kanila.
" Hayaan mo na. Baka mag ka S na naman ako pa ang malintikan."
Sabi niya lang dito. At lumabas na ng kusina at nag deritso sa garahe. Hinanda niya ang sasakyan.
Habang ginagawa niya iyon, para gustong niyang ikuskus ang basahan sa mukha ni Sib.
Wala siya sana sa sitwasyon na iyon kung di dahil dito.
Bahagya siyang nag pout habang nag iisip, alam na ba nito na may niluluto na kasalan sa pagitan nila? Papayag ba ito? Marahil kasi hindi nito kayang tanggihan ang ina.
" Ma, I'm going."
Paalam nito sa ina, habang naka akbay at hinahatid sa pintuan si Sib.
" Mag iingat ka. You promised me three days only Sib."
"Yes, Ma"
Sabi nito at pumasok na sa sasakyan.
" Let's go."
Ini start niya ang ignition at hinuli ang mga mata nito sa rearview mirror.
" Good morning senyorito."
Bati niya dito, na tumango lang. Sayang hindi siya pwede humalakhak. He looks like he woke up on the wrong side of the bed.
" Just drive. And no music today please!"
Sabi nito at nag simula na abalahin ang sarili sa hawak niyong cellphone.
" Yes, tonight. I'm expecting you to be there."
Naka ilan pa itong tawag na nag yaya sa kung saan mamayang gabi.
" Stop there."
Utos nito, nagtataka man sinunod niya ito. Nag park siya sa harap ng isang restaurant.
" Follow me inside."
Utos nito sa kanya, tumaas ang kanyang kilay at nag kibit balikat. Sumunod siya kay Sib looking dashing in his three-piece suit.
" Eat. I know you don't eat your breakfast."
Utos nito sa kanya. Napamaang siya dito.
" Don't misunderstand. I will have a favor to ask."
Sabi nito, habang umiinom ng kape at nasa harap niya ay madaming pagkain na ito ang umorder.
" Just eat!"
Ulit nito, na bahagya pa siyang sinamaan ng tingin. Marahil nakita nito sa ekspresyon ng kanyang mukha ang matinding pag tataka.
" Don't worry, I will not put you in trouble."
Assurance nito sa kanya at nagpatuloy sa pag simsim ng kape. Siya naman ay nag simulang kumain.
" For a man, you're not eating that much."
Sabi nito habang nakatingin sa mga natira niyang pagkain.
" Heavy breakfast is not my thing."
Sagot niya na lang habang umiinom ng tubig.Gusto sana niyang taasan ng kilay ito sa paraan ng pagtingin sa kanya.