" Uno, let's watch movies." Yaya niya dito pagkatapos nilang maghapunan. " Ayaw ko baka mamaya comedy na naman iyan." Pagtanggi nito at balak na siyang talikuran,pero hinawakan niya ang braso nito. Mabilis na hinila at inakbayan. Napasinghap ito sa ginawa niya. " Ikaw ang mamimili ng movie. Sige na, hindi pa ako inaantok." Pamimilit niya dito. " Hindi ka ba napagod sa plantasyon kanina?" Tanong nito. " Nakatayo lang naman ako doon ah." Sabi niya at dinala niya ito sa sala. " On second thought, sa room ko na lang kaya tayo manood para pag antukin ako diretso tulog na?" " No! Dito na lang tayo." Mabilis nitong tanggi at ibinagsak ang sarili sa malambot na sofa. Nangingiti na lang siya. Dinampot nito ang remote at nag scroll sa Netflix. Mabuti na lang at isang action movie ang

