Dapit hapon na ng makarating sila sa cabin house. " Such a nice place." Sabi nito at nilibot ang tingin sa paligid. Ang tubig sa lawa ay nag iba ang kulay dahil na din sa repleksiyon ng araw na papalubog. " Prepare mo lang ang ihawan at ipapasok ko lang ang mga pagkain at inumin." Mabilis naman itong tumango may nakahanda na ditong ihawan dahil ito ang gawain nila ng pamilya pag nagpupunta sila dito. Ganun din ang mga kaibigan niya. Inilagay niya sa ref ang mga beer, sinigurado niya ang bawat bote kung saan ilalagay. Paglabas niya naka ready na ang ihawan, lumapit siya dito at inabutan ng isang bote ng beer na siya na ang nag bukas. " Thanks. Naubusan ka na ng beer in a can?" Tanong nito at uminom sa bote habang nag sisimula na nitong ilagay sa ihawan ang mga marinated na pork bell

