“I won’t do that! That is also my child!” Dumagundong ang boses ni Jaren sa loob ng living area at ilang sandali pa nga ay pumasok roon ang ilan sa mga kaibigan niya na ay nag tatakang mga tingin at kalaunan ay parang na realized kung ano ang nangyayari. “Let her hear my side first…” hindi ko na maintindihan ang ilan pang salitang sinabi ni Jaren. Halo halo na ang naririnig ko. Ang ingay ng musika. Ang ingay ng sigaw ni Cara at ni Inigo na pilit sinasabi sa akin ang lahat ng napag alaman nila kay Jaren. Hindi ko maunawaan kung sa paanong paraan iintindihin ang lahat ng kanilang sinasabi. Hindi kayang i handle ng utak ko ang mga isiniwalat nila sa aking harapan. Pakiramdam ko ay may kung anong masakit na bagay sa aking dibdib habang ang aking mga mata ay hinihila pabab

