! Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa nakikita at kung hindi pa nga ako inakay pang muli ng aking anak ay hindi ako maaalis sa aking pwesto at baka hindi na natinga at minasdan na lang sila. “Daddy, here’s Mommy,” sabi ni Evan na siyang nagpukaw sa atensyon nilang dalawa. Agad na umaliwalas ang mukha ni Jaren at lumayo sa babae para magtungo sa akin. Nakabuka ang dalawang bisig niya na sasalubong ng yakap sa akin habang ako ay tinatanaw ang bulto noong babae na natatakpan na ni Jaren. “Good morning,” aniya na mahina ang boses at ako lamang ang nakarinig. Yumukod siya para maabot ang aking labi at kinintilan iyon ng masuyong halik na nagtagal ng ilang mga segundo. Tumatalon-talon lamang si Evan kaya siya humiwalay at idagdag pa ang pagtikhim ng babae sa kaniyang likuran.

